Bella Rose Buong magdamag na hindi nakauwi si John sa bahay. Naghintay ako sa kanya pero sa palagay ko ay sa hospital na siyang natulog. Hindi ko naman ito maaring istorbohin dahil nakasalalay sa kanya ang buhay ng isang tao. Hanggang sumapit ang umaga ay hindi na nagparamdam sa akin si John. Alas tres na yata ako nakatulog sa kaiintay sa kanya pero wala talaga. Ngayon ay kailangan ko nang umalis upang puntahan si Logan kong saan siya nakakulong. Kailangan ko siyang paaminin para matapos na ang lahat ng ito. " Kayo na bahala sa anak ko, maglalagay ako ng securities na titingin sa inyo." bilin ko sa yaya ng anak ko pati na rin sa ibang katulong. Kita ang taka sa kanilang mga mata, marahil ay nagtataka sila kung bakit ko iyon sinabi. Hindi kasi nila alam na bukod sa nurse ay may iba pa

