Chapter 6

2446 Words
BELLA ROSE POV " Who?! you? " Tsk, tsk, tsk! You think I will allow that? Doctor Abuel. " Hindi ko alam ano ang pumasok sa utak nitong si kuya Lim at pinatulan niya ang hamon nitong si Doc Rex. At hindi ko rin maintindihan itong si Doc Rex, bakit umeksena pa siya at kailangan niya pang sabihin iyon. " Why don't you try, Mr. Whoever you are! And you will see. " Panghahamon din ni Doctor Abuel, napapikit na lang ako sa inis. Kong wala lang si Doc Rex dito'y baka kanina kupa nasapak si kuya Lim. Pinagtitinginan na kami dito kaya hindi na ako naka tiis at nakisali na sa kanila. " Ano ba naman kayo? Ano akala ninyo sa akin laruan? Ikaw kuya Lim, bakit hindi mo nilinaw na pinsan kita at hindi boyfriend dito kay Doc Rex, aakalain tuloy niya na naghahabol ako ng lalaki. " Sabay lingon ko kay kuya Lim na ngayon ay naka ngisi na. " At ikaw Doc, ano 'yang eksena mo? Ano kamo? Ibibigay? Sa 'yo? Pasensya kana ha, nasa labas tayo ngayon at wala sa hospital kaya hindi kita boss at walang doctor or nurse sa ating dalawa. Pero palagay ko po wala 'yata kayo sa katinuan. Doctor pa man din kayo. " Sabi ko rin kay Doc Rex na ngayon ay namumula na sa inis dahil sa ginawa ni kuya Lim sa kanya. Lumingon akong muli sa pinsan kong kanina pa pinipigilan ang tawa at masama siyang tiningnan, kaya naman sumeryoso din ito bigla. " What? " Maang-maangan nitong tanong. " Anong what? Ang arte mo kuya Lim, kung ayaw mong tanggapin ang sorry ko, e di huwag, pero 'wag mo ako susundan dahil maghahanap na ako ng boyfriend ko ngayon at sasama sa kung saan niya ako dadalhin. " Dahil sa galit ko kaya medyo malakas ang pagkaka sabi ko kaya narinig tuloy ng ibang mga lalaking nandoon at tila nagka interes. Ang iba sa kanila ay palapit na sa kinaroroonan ko. Naku! Pahamak talaga ang dalawang ito. " Hey, Princess, don't you dare. " Dinig kong sabi ni kuya Lim. Tinalikuran ko sila at balak ko na sanang umuwi nang halos mapatalon ako sa gulat ng may humarang sa aking apat na lalaki. " Hi, miss, we heard you're talking about the boyfriend thing; why don't you join us? " Nakakakilabot na sabi ng isa sa apat na lalaking humarang sa akin. Tiningnan ko lang siya ng mula ulo hanggang paa, habang may ngisi sa aking mga labi. " Gaano ba ka haba 'yang kargada mo? Sigurado ka ba na mag-eenjoy ako? Baka isang hawak ko pa lang diyan puputok na? " Pang-aasar kong sabi pa. Nagtawanan lahat ng mga kasama niya at may binulong ang mga ito na sa palagay ko ay lider nila. " Why don't you try it, miss? " Sabay hapit nito sa akin sa baywang, pipilipitin kuna sana ang kamay nito ng biglang dumating si kuya Lim, kasunod si Doc Rex na mga salubong ang kilay. Hindi naman ako natatakot dahil kayang-kaya ko naman ang apat na lalaking iyon. " Don't you dare touch my Princess. " Sabay suntok nito sa mukha ng lalaking humawak sa akin sa baywang. Lumapit naman ang iba pang kasamahan ng lalaki pero walang ka hirap-hirap itong pinagsisipa ni kuya Lim, kaya tumilapon sila isa-isa habang hawak pa rin niya ang isa sa kanila. Nakita kong may dinukot na balisong ang isa sa kanila kaya tutulungan ko sana si kuya Lim ng hilain agad ako ni Doc Rex palabas at isinakay agad sa naka abang na kotse. Pinababa nito ang driver at siya ang pumalit sa manibela. sabay patakbo nito ng mabilis. " Ano ba doc? Bakit mo ako hinila? Ibalik mo ito ngayon din. " Mariin kong utos, pero parang wala itong narinig at nagpatuloy pa rin. " Bakit may magagawa kaba? Babae ka diba? At saka may tumulong na sa pinsan mo, siya rin nagsabi sa akin na itakas kita. " Sabi nito. Hindi naman ako nag-aalala masyado dahil alam ko namang kayang-kaya ni kuya Lim ang mga iyon. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung anong balak ni kuya Lim? Kung sinadya ba niya na mag-galit-galitan para malagay ako sa sitwasyon kong ito ngayon? Oo, 'nung una ito ang plano ko ang mapalapit ang loob sa akin ng lalaking ito upang sa gayo'y mas madali na lang sa akin ang misyon ko. Pero nagbago ang isip ko, marami namang paraan para malaman ko ang totoo, at aalisin kuna sa listahan ang doctor Rex na ito. Hindi na ako nagsalita at hinayaan kuna lamang mag drive si Doc sa pag aakalang i-uuwi niya ako sa apartment kong saan ako nakatira ngunit parang napapansin kong iba na ang way na dinadaaanan namin at mukhang nakapasok na kami sa expressway, dahil sa pag iisip ko kaya ngayon ko na lamang napansin. " Doc, saan mo ako dadalhin? Hindi dito ang daan pauwi sa apartment ko? " " I know, " simpling sagot nito. " Can you stop call me Doc. Ikaw mismo nagsabi, wala tayo sa hospital at hindi ako doctor at hindi ka nurse, so you should call me by my name, John, Rex or p'wede rin namang mahal. " Pa ngiti-ngiti nitong sabi. Hindi ako maarteng babae pero ngayon parang nag-uumpisa na, mahal daw? Patawa ba siya. Hindi na lamang ako sumagot dahil wala sa nabanggit nito ang gusto kong itawag sa kanya. Mas komportbale kasi ako sa Doc kong tawagin ko siya at wala ng iba. " Bakit hindi mo naman sinabi na pinsan mo pala ang lalaking iyon. Eh, di sana nakapagpakilala ako sa kanya, malay mo maging bayaw ko in the future. " Hirit pa nitong sabi, kong hindi lang nag mamaneho ang lalaking ito'y baka nasapak kuna sa mga hirit n'ya. Ew, nakaka inis, ano teenager? Matanda na kami para sa ganito pero sige pagbibigyan ko siya at hayaan sa mga pa andar niyang ganyan sa akin. " Bakit kailangan ko pa bang sabihin? Ikaw itong bigla na lamang umeksena. " Pagtataray ko pang sabi. " Saan mo ba ako dadalhin Doc? Maaga pa ang duty ko bukas, " sunod-sunod kong tanong. " Hindi ba sabi mo maghahanap ka ng boyfriend at sinabi mo rin na sasama ka sa kanya kahit saan ka niya dadalhin?__ So here I am, volunteering myself. " Sabi nito sa akin. Nilingon niya ako at tila ba gusto pa akong yakapin. Grrr, nakakainis siya, ang sarap ng kanyang pagkakangiti na para bang inaasar ako lalo, or kung ano. Akala naman siguro nito bibigay ako sa kanya. " Kaninong bahay ito Doc? " Tumigil kasi ito sa malaking bahay, or let me say mansyon. " Ah, oo nga pala," bumaba siya at umikot ito para pag buksan ako. " Welcome, ipapakilala kita sa lolo at parents ko. " Ini-abot nito sa akin ang kamay niya kaya naman lumabas na lang ako pero hindi ko hinawakan ang kamay nito. Paniguradong magtataka siya pag oras na mahawakan nito ang aking kamay, dahil sa tigas at maraming kalyo. Panigurado ding mas malambot ang kamay nito kaysa sa akin. " All right next time, hindi lang holding hands sisingilin ko sa'yo. " Sabi pa ulit nito, hindi kuna pinansin pa ang sinabi nito dahil kanina pa occupied ang isip ko. Sa wakas makikilala ko na na rin ang senior ng mga Abuel. Nakita ko na sila sa picture at usap-usapan na masungit daw ito at strict kaya ngayon ko malalaman kung hanggang saan ang pasesnya nila sa gagawin ko mamaya. " Pasok na tayo Doc, nagutom ako bigla may pagkain ba kayo? " Hinila ko siya papasok sa loob, parang may taka sa kanyang mga mata, nag-iba kasi bigla ang mood ko. Naisip ko kasing magpapanggap akong clumsy at burara at inosente sa maraming bagay. Tingnan na lang natin baka isumpa na ng lalaking ito na sinama pa ako dito. " Magandang gabi po, senyorito. " Sabay-sabay na bati sa amin ng mga katulong na naka hilera sa may pintuan pag pasok pa lang namin. " Wow, laging handa ah, maganda 'yan, " Sabay palakpak ko. " Salamat po ma'am, " sabay din nilang sabi, bago sila nagsi-alis para bumalik sa kani-kanilang trabaho. " Wow, ang ganda naman ng bahay ninyo, Doc. " Bigla kong papuri sa bahay nila na tila ba namamangha at kunyaring ngayon lang nakakita ng mansyon. " Bahay nila lolo ito, " pa-humble niyang sabi, sabay turo sa akin ng upuan, kaya umupo na rin ako. " Ikaw naman pa-humble ka pa___," hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang may nagsalitang boritonong boses, naka talikod ako sa hagdanan kaya tanging tunog lamang ng kanyang tungkod ang naririnig ko. " Lolo, " sinasabi ko na nga ba, ang senior ng mga Abuel nga ito. Sinalubong ni Rex ang lolo niya kaya maya-maya ay tumayo na rin ako at lumingon na rin, gamit ang aking pinaka magandang ngiti. At gulat na gulat ako sa aking nakita, ang akala ko kasi matanda at uugod-ugod ay taliwas pala. Oo at matanda na siya dahil nakikita sa buhok nito, ngunit matikas pa rin ang kanyang pangangatawan at halatang malakas pa. " Good evening, po, " Naka ngiti kong pagbati bago yumuko bilang paggalang. " Magandang gabi din, Chinese ka ba hija o Koreana? " Seryosong tanong nito sa akin. " Ho? " Parang bigla akong kinabahan na hindi ko maintindihan kong bakit, seryoso kasi ang pagkaka tanong nito. " Bakit hindi ka mag mano sa matanda gaya ng boyfriend mo, hindi ba Pilipino ka naman? " Natulala ako at awang ang bibig sa sinabi nito. " Lolo, huwag n'yo naman po takutin ang bisita ko. " saway ni Doc Rex sa lolo niya. Kaya bumalik ako sa ulirat saka lumapit sa matanda upang magmano. " Ayy, mano po Don Ricardo. " " Papa, tinatakot mo naman ang bisita ng anak ko. " hindi kuna napansin ang presensya ng taong nagsalita sa aming tabi, " Ma, Pa, " lumapit si Rex sa mama niya. Hinagkan din ito ng mommy niya na parang bata, at gayon din ang daddy niya. Halatang sobrang close niya sa mga magulang niya, pumagitna siya sa mga ito kaya napagmasdan ko silang tatlo, ang ganda ng mommy niya, kahit may edad na ito, makinis sopistikada at halatang galing sa magandang pamilya, at gayon din ang daddy niya, sing tangkad lang din sila ni Rex. " Magandang gabi po, " bigay galang ko sa kanila. Halo-halo ang nararamdaman ko, galit, inggit at pagka munghi sa mga taong ka harap ko ngayon. Alam kong masama ang mag panggap pero kailangan kong gawin ito hanggang sa malaman ko ang totoo. " Anak siya na ba ang kasintahan mo? " Naka ngiting tanong ng ginang sa anak habang ang mga mata ay nasa akin. Kanina pa niya ako tinitingnan, alam kong walang halong ka plastikan ang mga ngiting pinupukol nito sa akin pero hindi ko pa rin magawang maging masaya. " Hindi po ma'am, ako po ang bagong nurse sa hospital po ninyo, Bella Rose Rivera po ang pangalan ko, " pakilala ko. " I heard so much about you hija, hindi ba ikaw iyong nag top sa board exam? " Tanong ng daddy niya. " Let's eat first, saka n'yo na lang tanungin si Bella halika hija. " Hinila na ako ng mommy niya at dinala sa dining. Naka handa ang iba't ibang putahe na tanging nakikita lamang sa mga hapag ng may kaya sa buhay, " Wow, ang dami naman po ma'am. " Simula na naman ng acting 101 ko, sanay na ako sa ganitong pagkain dahil palagi naman kami ganito sa mansyon ni Tito Gen. " Ganito talaga kami sa tuwing uuwi ang anak ko, alamo ba na ikaw pa lang ang kauna-unahang babaeng dinala niya dito? " Hindi pa sila nakaka upo ay umupo na ako. " Talaga po? Siguro ayaw lang nila sumama kay Doc, masungit ho kasi siya. " Sabi ko habang naglalaway kunyari sa mga pagkain na naka handa. Tinanggal ko pa muna ang suot kong jacket, medyo revealing ang damit ko dahil naka spaghetti croptop ako sa loob " Pasensya na po, nagkita lang kami ni Doc Abuel sa bar, tapos po iyang anak ninyo ma'am hinila na ako dito na hindi man lang sinabi sa akin na family dinner pala ito kaya hindi na po ako nakapag palit, pasensya na po. " Inunahan ko na kasi sila, halos mabilaukan na kasi ang mommy ni Rex ng makita niya akong nag hubad ng jacket sa harap nila. Pansin ko ring hindi tumitingin sa akin ang daddy at lolo niya pero si Rex. Literal na napa tulala at pa simpling tumitingin sa akin akala niya siguro hindi ko napapansin. " It's okay hija, pero naiinitan kaba? Gusto mo i-volume natin ang aircon? " Pansin ko rin ang pag-iiba ng mood ng mommy niya, kung kanina ay naka ngiti ngayon naman ay parang nag iba na ito. " Hindi na po, pwede na ba tayo kumain, gutom na po kasi ako. Ang anak ninyo hindi ako pinakain man lang. " Pansin ko kasi ang pananahimik nila kanina pa at wala pang gumagalaw ng mga pagkaing nakahain, siguro hinihintay pa nila ang hudyat ni senior Abuel bago sila kumain, talagang siya ang batas sa bahay na ito maski sa pagkain. Ang buong akala ko'y tuluyan ng mauudlot ang dinner namin dahil sa pananahimik nila.ngunit__. " Ha ha ha, your so funny hija, kaya pala nagustuhan ka ng apo ko dahil kakaiba kang babae. Oo naman pwedeng-pwede na tayo kumain, let's eat. " Sabi ng lolo niya na tila ba natuwa pa sa akin at gayon din ang mommy at daddy niya ay nakitawa na rin ng walang halong ka plastikan. Ang buong akala ko galit na sila sa akin. " John apo, I think you should pursue this young lady, she's one of a kind, walang ka arte-arte sa katawan at totoong-totoo sa sarili. " Pagpupuri ng lolo niya sa akin na sinang ayunan ng parents niya. Lahat sila puro genuine ang tawa at ako lamang ang hindi totoo dito. Kaya ang balak kong pa bad-shot sa kanila ay naging good-shot tuloy ang labas. " Yes lolo, hindi na siya makaka wala sa akin magmula ngayon, hindi ba mahal? " Biglang may sumipa sa aking dibdib na hindi ko matiyak kong ano pero may idea na ako. Pero isa lang ang tinitiyak ko, hindi ito maari, hindi ko papayagan at kung kinakailangan kong itigil ang pag iimbistiga ay gagawin ko. Mag- iisip na lamang ako ng ibang paraan, bahala na basta hindi ito maari. Hindi ako maaring magka gusto sa lalaking ito, hinding-hindi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD