Bella Rose " Ha, ha ha, what a nice scene, ano Agent Tinik? Masakit ba malaman na ang taong minamahal mo ay sinasaksak ka palang patalikod? " Tumatawang tanong ni Logan sa akin. Pero hindi ako sumagot, sa halip si John ang nagpatigil sa kanya. " Shut up Logan! No, mahal listened__" ani ni John nang lumapit ito sa akin. Nakaposas sa likuran ang dalawa niyang kamay kaya hindi niya ako mahawakan. Lalong naninikip ang dibdib ko nang mas nakalapit ito sa akin. " Kalagan mo ako, kailangan kong tulungan ang asawa ko." Sigaw nito kay Agent Romeo kaya dalian din siyang sinunod nito. Saka ko pa lamang maramdaman ang kamay nitong nanlalamig na hinawak sa aking mukha. Dinig ko lang ang tawa ni Logan at saway ni Agent Romeo sa kanya pero wala ako makita dahil sa panlalabo ng aking mga paningin. T

