Bella Rose Akala ko tapos na ako sa ganitong tagpo ng buhay ko, pero hindi pa pala. Dahil sa sumbatan namin ni John ay minabuti kong magpalipas ng gabi dito sa hide-out ko. At gaya noon naka harap ako ngayon sa pounching bag at malakas itong pinagsusuntok. Madaling araw na pero hindi pa rin ako makatulog kaya naisipan kong ilabas ang sama ng loob sa pamamagitan nito. Baka maibsan ng kaunti ang nararamdaman ko. Pawis na pawis na ako at namamanhid na rin ang mga kamay ko, pero hindi ko ito iniinda. Siguro kung nasa harapan ko lang si Logan at Vhon ay baka maga na ang buong mukha nila sa tindi ng galit ko sa kanila ngayon. " Ahhhhh!" Sigaw ko bago ko pinakawalan ang huling suntok ko saka napaupo. Habol ko ang aking hininga at nangininginig din ang aking kamay. Humiga ako sa sahig kasabay

