PAGLAPAG ng helicopter sa helipad ay may mga lalaki agad ang pumalibot sa amin. Akala ko ay masasama silang tao pero ng i-address nila ang pangalan ni Dark ay nakahinga ako ng maluwag. Nang makababa ay agad na hinawakan ni Dark ng mahigpit ang mga kamay ko at nagpatiuna sa paglalakad. Patungo kami ngayon sa isang pinto. Hindi ko alam pero ang hinintuan namin ay isa ito sa pinakataas na gusali sa lungsod. Siguro isa itong hotel o kaya condominium. Kahit na mahina ang lakas parin ng ingay na nagmumula sa helicopter ay narinig ko pa rin ang pag-uusap nila. "Sir, napasok po ang Quarters kani-kanina lang," sabi nung isa sa mga lalake at sinasabayan na kami ngayon sa paglalakad. "How it happen that the quarters attacked by someone?" Malamig ang pagkakasabi nito pero halata parin ang mad

