KAHIT NAKAUPO ay laglag panga parin ako. Hindi ako pakapaniwala na may anak siya. Anak! Wala nga sa makapal na mukha nito na may anak siya. Napaka-imposible talaga. Kung ganoon, madrasta ang labas ko nito. Sa ganda kong ito? Magiging madrasta lang? Juicecolord! Magiging cute muna ako bago mangyare ang bagay na iyon. Huhubels. Ito na nga ang katibayan ko sa harapan mismo nakaupo. Nakatitig sa akin ang dalawang pares na mga mata. Walang emosyon. Grabe talaga pati ba naman ekspresyon sa mukha magkasinghatulad. Sa tansya ko, nasa mga apat na taong gulang pa ang batang ito. Mala-tsokolate ang mga mata. Bilugang mukha, mapula-pula ang pisngi nito at makakapal ang mga kilay na bumagay sa mala-tsokolate nitong mata. Bata pa lang ay ang tangos na ng ilong nito. Medyo may kaputian rin ang isang

