Makalipas ang isang linggo..
Andrea's POV
"Pedicab! Pasakay".... Tawag ko sa pedicab. " Manong dun sa internet cafe po sa dulo. "
"Hoy! Andi, san punta mo?" napalingon ako bigla and hinanap kung sino ang tumatawag sakin
"Anne! Wait... Manong, para po dito nalang po. Eto po bayad" bumaba ako at dali daling pinuntahan ang kaibigan kung si Anne.
Dahil sa matagal na kaming di nagkita ng beso beso muna.
"Kumusta na? Long time no see ha.. Anung ganap? Napadaan kaman dito? Sabay sabay nyang tanong.
" Eto ganun parin naman. Papunta ako dyan sa internet cafe ng pinsan mo meron lang akong pinagawa na music. Kumusta sila Pearl and Jo?"
" Teka tawagin ko daw , Pearl! Jo! Labas muna kayu, andito si Andi.." tawag nya
Ilang sandali lang, lumabas agad ang dalawang kapatid nya na sina Jo and Pearl. Si Anne ay isa sa mga kababata ko , kclose ko din ang dalawang kapatid nya dahil di naman ngkakalayu ang idad namin. Nang makalapit sila sa akin siempre beso beso parin and yakapan dahil sobrang miss namin ang isa't isa.
"Kumusta na? Ganda and sexy mo parin andi huh!" sabi ni Pearl
"Hay naku, tumaba na nga ako" sagot ko sa kanya.
"Anong meron. naparito kaman?" tanong ni Jo
"Me pinagawa lang ako dyan kay manong Joe. Actually last week pa ako pumunta dito. Di lang tayu nagkita." sabi ko sa kanila. Napalingon ako banda sa gate nila ng me lumabas na lalaki na me dalang motor. Ngayun ko lang nakita yung lalaki na yun dito.
"Pare, saan ang punta?" tawag ni Anne sa lalaki. Napalingon na din sila Jo at Pearl sa gate.
Nang huminto sa harap namin naamoy ko yung pabango nya.. Ang bango.. Amoy fresh..
"Labas muna ako, mamamasyal lang" sagot ng lalaki sa kanya
Nang makaalis ang lalaki, naiwan parin ang amoy ng pabango nya.
"Grabe, ang bango pinaligo ata niya ang pabango nya." sabi ni pearl sabay tawa naming lahat. tinanong ko sila.. " New Boarder ni tita?"
"Yes, nagboboard sa loob" Giit ni Pearl
"Aws...." tipid ko na sagot. Siguro bagong kolektor nila sa kabilang bahay, sabi ko sa isip ko lang. In fairness sya lang ata nakita ko na kolektor na maputi. Pero teka lang. parang sya yung lalaki na nandun sa internet cafe nang nadulas ako last week huh. Nairita tuloy ako. Yung lalaking walang paki sa akin.. Di man lang ako tinulungan. Hmp!
Nakipagkwentuhan muna ako sa magkakapatid since matagal na kaming di nagkita. Inabot na tuloy ako ng gabi sa bahay nila.
"Uy uwi na ako, maaaward na naman ako nito sa bahay. Balik nalang ako ulit dito bukas kasi meron pa akong pinapaayos sa kay Ralph para sa Summer workshop ko. " sabi ko sa kanila.
" ok sige, text mo kami pag pupunta ka dito ha para makapaghanda ng snacks" giit ni Anne
Nakauwi na ako ng bahay pero wala parin ang mga magulang ko. Busy pa ata sa tindahan at baka nakipag inuman pa ang papa ko dun.
Since lahat ng mga kapatid ko puro me mga pamilya na ako nalang natira sa bahay dahil me mga kanyang kanyang bahay na din sila.
Binuksan ko ang TV at nanuod muna bago umakyat ng kwarto ko para din mahantay ko sila mama.
Kinabukasan ng hapon pumunta uli ako sa Cafe para kunin yung mga pinagawa ko para sa workshop ko. Nakita ko sila Pearl, Jo at Anne na nasa labas ng bahay nakaupo sa bench.
Kumaway ako sa kanila sabay sabi " Punta muna ako ng Cafe me kukunin lang ako" Kumaway din sila sa akin. " Ok Sige.".
Bumaba ako ng pedicab tapos dali daling pumasok sa internet cafe na pav aari ng pinsan nila Anne. Nang makuha ko ang mga pinagawa ko umalis agad ako at pinuntahan ang mga friends ko sa labas an naghihintay. Nang makalapit ako sa kanila.
"Oh , ok na? Ginawa ni Ralph? Dapat kasi binabantayan mo yan sya. Para madaling matapos." Kasi pag hindi baka abutin ka nyan ng 1 buwan sa paghahantay. " sabi ni Pearl
"Aws ganun bah.. Ok na, natapos din , yung mga music ko nalang ang kulang. "Giit ko
"Uy, Andi musta.." bati ng isang pinsan nila sa akin na kakalabas lang ng gate. Tapos, humarap sa lalaking nakaupo sa dulo ng bench na di ko man lang nanotice na nandun. Tahimik lang nakaupo and panay text yung lalaki na maputi na Kolektor.
Habang kami ay nagkukukilitan at tawanan, umalis yung lalaki pumasok sa loob.
"Uy ginugutom ako. Kain muna tayu ng snacks." Yaya ko sa kanila.
" ok sige, libre mo muna kami ha" . paglalambing ni pearl sa akin.
"Oo na.. Ako ng bahala, Tara.."tumawid kami sa kabilang kalsada para mkapag meryenda. Nang matapos naming kumain bumalik kami sa bench uli. Andun nakaupo ng kambal na sina Jonie and Joey. Mga pinsan nila Pearl.
Di paman kami nakaupo. Biglang me lumabas sa gate, ang lalaking maputi na boarder nila. napalingon kami lahat. Naamoy ko naman ang pabango nyang sobrang bango. Nilapitan na agad ako ni Joey.
"Andi, me ipapakilala ako sayo. Meet my Pareng Jed" sabay turo sa Maputing Kolektor.
Nakita kung tumingin siya sa akin at saka ng smile. Nginitian ko din sya.
"Pare, si Andrea." patuloy ni Joey. "Andi, si Sir Jed, isa syang banker. Pakilala nya sa amin.
Banker pala sya. natawa tuloy ako sa agam agam ko. Akala ko kasi kolektor sya ng mga appliances na pina pautang ng mga kapampangan. Natawa ako sa sarili ko tuloy.
"Andi, nghahanap ksi ng kaibigan si pare ko. Wala man lang syang kaibigan dito. Diba parekoy" dagdag pa nya.
Nakita kung tumaas ang kilay ni Jo sabay sabi.. " Uy, Joey ikaw talaga. mukhang nirereto mo si Jed kay Andi huh."
" siempre naman. Ok lang naman, para me makausap naman si pare ko dito. " Diba Pare? Baling nya kay Jed. " Me makakasama ka nang mamasyal sa City. "
" abah abah.. pwedeng pwede basta sama kami dyan."giit ni Pearl. Sabay kaming nagtawanan lahat. Nakita ko si Jed na napasulyap sa akin. Tuloy ako nahihiya na din.
"Kring...Kring...Kring.. " saved by the ring..
Kinuha ko sa bulsa ko ang phone ko.
"Excuse muna ha". Sinagot ko ang tawag sa phone ko. Sabay lakad palayu sa kanila.
" hello!. Napatawag kaman?" sagot ko sa tawag.
Si Mark ang tumatawag, ex boyfriend ko. Nangungumusta lang at tsinecheck kung saan daw ako. Isang seaman si Mark, nasa barko pa sya insakto na off nya kya maisipan nyng tumawag sa akin daw. Matagal na kaming nghiwalay na dalawa dahil sa natuklasan kong me karelasyon siyang iba. Lagi siyang tumatawag sa akin and text kahit me bagong gf na sya.
"Tawagan mo nalang ako mamya, nasa labas pa kasi ako. Ok, sige.. Mag usap nalang tayu mamya. Ewan ko sayu. Gawin mo nalang wag kang mgpromise. sige na. Bye" sabi ko sa kausap.ko sa phone ko.
Binalikn ko ang mga kaibigan ko na masayang nagkukuwentuhan. Si mr. Kolektor, ay si mr. Banker pala hahaha.. kausap naman ang kambal. Nang makabalik na ako tinanong agad ako kung sino ang tumawag.
" Sino tumawag? Bf mo? " tanong nia sa akin. napasulyap si mr. Banker sakin tila naghahantay kung anu isasagot ko.
" Ah si Mark tumawag nasa barko pa daw sya.. " sagot ko. Sabay harap kay JO
" Jo, sila pa ng kaibigan mo? Tanong ko sa kanya. Kaklase nya kasi ang naging Gf ng ex ko.
"Ay oo.. Sila pa. , " ewan ko ba kay Gladys inagaw dati bf mo. Giit nya.
"Hehehe.. Ok lang yan, wala na kami nun. Kanyang kanya na si Mark. "
"Eh bakit pa tumatawag sayu?" tanong ni Anne. " wala tapos tumatawag pa. Anu man kayo? Dagdag pa nya..
Nakita kong nakikinig na din si mr. banker sa pinag uusapan namin.
"Hay ewan ko sa kanya, gusto makipagbalikan. Kinukulit nya ako"
" Uwi na ako, gabi na kasi meron pa akong aayusin sa bahay." paalam ko sa kanila
" Ok siige... Anu man balik ka bukas dito?" tanong ni Pearl.
"Tingnan ko lang, depende pag ok na yung pinapatrabaho kung music kay Ralph. O siya sige ,bye.. Tumingin ako sa kay mr. Banker. "Nice meeting u Jed." ngsmile sya at nagwave sa akin.
"Pedicab!!! Pasakay.... " Tawag lo sa mamang driver ng pedicab sabay paalam sa mga kaibigan ko uli.
"Bye, bukas naman uli"
Pagkatapos ng mahabang araw sa trabaho, bumalik si Andi sa kanyang bahay na puno ng pagod. Habang natutulog na siya, biglang may tumawag sa kanyang cellphone. Siya'y nagulat nang makita ang pangalan ng kanyang dating boyfriend, si Mark, sa screen. Hindi niya ito sinasadyang sagutin, ngunit biglang may natanggap siyang text mula kay Mark na nagsasabing hindi raw ito makatulog sa kaiisip sa kanya.
Kahit hindi niya inaasahan ang tawag, si Andi ay napilitang tumingin sa screen. Sa kanyang pagtataka, sumagot siya. Bagamat maayos ang naging hiwalayan nila ni Mark, at matagal na silang nag-move on, nagparamdam ang kuryusidad sa kanya, at tinanggap niya ang tawag.
"Hallo?" ang boses ni Andi ay nagdala ng halong pagtataka at pag-iingat.
"Hey, Andi," ang boses ni Mark ay tila may kakaibang kaba, parang hindi sigurado kung tama ba ang oras ng kanyang tawag. "Alam kong medyo late na, pero hindi ako makatulog, at marami akong iniisip tungkol sa atin."
Si Andi, nagugulat, nakinig habang inilalabas ni Mark ang kanyang nararamdaman – pagsisisi, alaala, at pagnanasa na maunawaan kung ano ang nangyari. Ang kanilang usapan ay naging masusing paglalarawan ng nakaraan, isinisiwalat ang damdamin na matagal nang natago.
Sa kanilang pag-uusap, bumalik si Andi sa mga lumang alaala, damdamin na ang panahon ay bahagyang nagpagaling. Ang mga salitang mula kay Marco ay tila totoo, at isang bahagi ng kanyang sarili ay hindi nakakapigil na makiramay sa kahinaang ipinakita nito. Ngunit, ipinapaalala niya sa sarili ang mga dahilan kung bakit sila naghiwalay at ang pag-unlad na nangyari pagkatapos nito.
Sa huli, nagtapos ang kanilang usapan, iniwan si Andi na may mga magulong kaisipan. Habang siya'y nakahiga sa dilim, iniisip ang kakaibang pagsusuri, biglang may text message siyang natanggap.
" Hi, how are you? Are you home na?". nagtataka si Andi kung sino Ang nagtext sa kanya.
"Who's this, do I know you?" sagot nya.
"Si Jed to. Sorry kinuha ko number mo sa kambal."
"Uy, ikaw lang pala. AWS. ok lang no problem."
" Anu gawa mo?"
"Eto matutulog na po"
at eto ay naging simula ng kanilang pagkwekwentuhan sa text at nauwi na sa pagkikita lagi.