Pawang wala ako sa sarili habang naglalakad. At pilit na iniisip kung paanong ako lamang ang nakapasa sa contest na iyon. ‘Di mawawala sa isip ko ang naging tagpo kanina. Pagkalabas ko pa lamang sa pinto ay sumalubong na sa akin ang babaeng sa tingin ko ay staff nila rito. At mabilis kaming nagtungo sa mga kasabayan kong naghihintay sa labas. Lumaki naman ang mata ko nang bigla itong nagsalita. At ‘di ako makapaniwala sa sinambit niya. “I’m sorry but mayroon ng nanalo sa contest. And here she is, Luna,” masiglang sambit nito na ikinagulat nang lahat. At kitang-kita sa mga mukha nito ang pagkadismaya sa narinig. Tila ba’y pinagbagsakan ng langit at lupa ang mga itsura nito. “Ang tagal naming naghintay rito, humigit kumulang anim na oras para lang mauna sa pila. Hindi na nga kami nagr

