“Umalis na siya boss, mukhang alam naman niya na wala siyang laban sa atin.” Napadako ang tingin ko sa nagsalita, matalim ang titig na pinukol ko sa kaniya na alam kong magpapanginig sa tuhod nito. “Nagawa niyo ba lahat ang mga bilin ko?” malalim ang boses na tanong ko sa kaniya. ‘Di naman nakaligtas sa mata ko ang sunod-sunod nitong paglunok. At ang ilang butil nang pawis nito na naiipon sa kaniyang noo. “Oo boss, lahat ng bilin niyo ay sinunod ng mga tauhan ko,” saad niya at sa boses pa lamang nito ay halatang-halata na ang matindi nitong kaba. “Well good job sa mga tauhan mo!” nakapangising tugon ko at mabilis na umahon sa pool. At sinenyesan ito na iabot sa akin ang tuwalya ko. At mabilis naman itong kumilos at wala pang isang segundo ay naibigay na niya ito sa akin. Napatawa pa

