Hirap na hirap kong idinilat ang mata ko at pawang nakaramdam ako nang matinding lamig. At do’n ko namalayan na wala na pala akong ni-isang saplot sa katawan. At napalaki pa ang mata ko nang maulinanigan kong nakaposas pa ang dalawa kong kamay sa head board ng kama. “s**t! Nasaan ako?!” Napalinga-linga ako sa paligid. At mariing ipinikit ang aking mata upang alalahanin kung paanong napunta ako sa sitwasyong ito. “Kailan mo ba ako titigilan? Paano mo ako nahanap?! Sampong taon na ang nakakaraan, paanong nakita mo pa ako’t nasundan? Ano bang kailangan mo sa akin?!” garalgal man ang boses ko ngunit pinilit kong maging matapang sa harapan nito. At pinukulan ko nang masamang titig ang nag-aalab nitong mga pulang mata. Halos manginig ang tuhod ko nang bigla na lamang itong humalakhak nang m

