Dylan Pov: Napangiti ako nang matanaw ko ang pinakamamahal kong mahimbing na natutulog, agad ko itong nilapitan at natatawa talaga ako sa itsura nito. “Ang panget mo pa rin kahit tulog.” Pang-aasar ko sa kanya, ang sarap niya pa ring pikonin kahit na bagsak na ito sa pagtulog. Umupo ako sa tabi nito, at hinaplos ko ang magulo nitong buhok. Di pa rn talaga ito nagbabago. Wala pa ring kaayos ayos sa katawan. Ngunit napatigil ang tawa ko nang mapagmasdan ko ang suot nito, nakabestida kasi ito at tanaw na tanaw ng aking mata ang kaputian ng binti nito. Napakinis at may nag uudyok sa aking hawakan napailing nalang ako sa naisip. Mas minabuti kong kunin ang kumot at takpan ito. Siya lang talaga ang babae na kahit walang gawin naaakit na ako, at umiinit na ang pakiramdam ko. Pero hindi pa ito

