Mabilis nilang naitakbo sa pinakamalapit na hospital si Clement matapos silang mai-rescue at habang inaasikaso ito ng doktor sa loob ng emergency room ay hindi naman siya mapakali sa pag-aalala. Hindi na niya tuloy alam kung ano ang kanyang gagawin.
Mabilis siyang lumapit sa doktor nang lumabas na ito mula sa emergency room habang nag-aalala pa rin siya sa kanyang boss.
"Okay na siya ngayon. Huwag na kayong mag-aalala. Masyadong mataas lang talaga ang lagnat niya kanina kaya siya nahimatay. Kailangan muna niyang magpahinga upang mapabilis ang kanyang paggaling," pahayag ng doktor na siyang nagpagaan sa kalooban ni Gabriela.
"Thank you, doc," sabi niya at agad namang nagpaalam ang doktor sa kanya.
Kahit na nakaramdam pa nang panghihina si Clement ay mas pinili niyang imulat ang kanyang mga mata dahil ayaw niyang manatili sa isang madilim na paligid at sa kanyang pagmulat ay ang dalawang magkahawak na palad ang kanyang nagisnan habang pinipisil nito ang palad isa.
Clement Rosco, a 38-year-old president of Regal Company. A husband of Kathryn, lovable, faithful husband. A good father. He has a muscular body figure. His big pointed nose is a good match for the shape of his face. About 6'7 feet tall. A man of dignity.
Nang iniangat niya ang kanyang paningin para malaman kung sino ang nagmamay-ari ng dalawang palad na 'yon ay saka lang tumambad sa kanyang paningin ang nag-aalalang mukha ng kanyang secretary habang nakatayo ito patagilid sa kanya at nakatingin sa labas ng bintana.
Noon pa man ay napansin na niyang may ganu'ng mannerism ang kanyang secretary. Pinipisil nito ang magkabila nitong palad kapag nag-aalala o nababahala ito kaya lihim siyang napapangiti sa isiping nag-aalala ito sa kanya.
"Mr. Rosco, gising na kayo," may galak sa boses na saad nito nang makita siyang gising na.
"Teka! Tatawagin ko lang ang doktor para naman matingnan po niya kayo."
At bago pa man siya nakapag-react ay mabilis na itong nakalabas ng kanyang kwarto at maya-maya lang ay nakabalik na ito kasama ang tinawag nitong doktor.
Matapos siyang i-check ng doktor ay agad din naman itong nagbilin ng mga dapat niyang gagawin para mapabilis ang kanyang paggaling.
"Kailangan mo munang magpahinga at huwag mong ubusin ang oras at atensyon mo sa pagtatrabaho, maglaan ka ng kahit na saglit para sa sarili mo," payo nito na agad naman niyang tinanguan.
"Okay na siya kaya huwag ka nang mag-aalala pa. Nobyo mo ba siya?" baling nito kay Gabriela.
Napaawang naman ang labi ng dalaga sa naging tanong ng doktor pati si Clement ay nabigla rin sa narinig at bago pa man siya nakaimik ay agad namang nagsalita si Gabriela.
"Hindi po!" maagap na tanggi ng dalaga na may kasama pang pakumpas-kumpas ng kamay. "Hindi ko po siya nobyo. Boss ko po siya at secretary lamang niya ako," dagdag pa niya at napatango na lamang ang doktor na para bang may pagdududa pang nararamdaman.
"If that's the case, I guess you have a good boss-secretary relationship," makabuluhang saad ng doktor saka nito binalingan ng tingin si Clmene na nagtataka rin para sa mga katagang lumalabas mula sa bibig ng doktor.
"Ang swerte mo sa secretary mo dahil sobra siyang nag-aalala para sa kalagayan mo."
Nanlaki ang mga mata ni Gabriela kasabay ng pag-awang ng kanyang mga labi dahil para bang sinasabi ng doktor na may special na namamagitan sa kanilang dalawa ng kanyang boss.
"Nasa office lang ako if you need something," sabi nito saka agad na umalis sa kanilang harapan.
Nahihiyang napatingin si Gabriela sa kanyang boss na nakatingin na rin sa kanya na para bang nanghihingi ng paliwanag sa mga katagang binitiwan ng doktor.
"N-natural lang po na m-mag-aalala ako sa inyo kasi kung sakaling may nangyaring m-masama sa inyo, w-wala na po akong sahod," pagbibiro niya at nakita naman niya ang paglitaw ng ngiti sa mga labi nito. Kahit na napaka-corny atleast, nabenta iyon!
Agad na lumapit si Gabriela sa kanyang boss nang sinikap nitong makabangon. Tinulungan niya itong makaupo nang maayos sa ibabaw ng hinihigaan nito.
"Sandali lang po, aayusin ko muna ang unan," sabi niya habang inaayos niya ang pagkakalapat ng likod nito sa unan nito.
"Ayan! Okay na," magiliw niyang sabi sabay lingon sa kanyang boss na kasalukuyan din palang nakatingin sa kanya kaya nagkatitigan sila.
Pakiramdam ni Gabriela ay na-hypnotize siya nang mga sandaling 'yon habang nakikipagtitigan siya sa kanyang boss. Muli na naman niya naramdaman ang pagbilis ng pagtibok ng kanyang puso lalo na at nararamdaman niya ang maiinit na hiningang nagmumula kay Clement na malamyos na dumadampi sa kanyang pisngi.
Hindi rin maintindihan ni Clement ang kanyang damdamin habang nakikipagtitigan siya sa kanyang secretary. Pakiramdam niya ay parang may kung anong kuryenteng nananalaytay sa buong katauhan niya habang nakatitig siya sa mga mata ni Gabriela.
Lalong nagwawala ang kanyang puso nang dumako ang kanyang mga mata sa mga labi ng dalaga. Maninipis iyon at kahit na liptint lang ang ipinahid nito ay mamula-mula pa rin ito at nakakaakit pa talaga. Para bang nang-aanyaya sa kanya na tikman ito.
Pero, bago pa man siya tuluyang mawala sa kanyang katinuan ay agad na siyang nag-iwas ng tingin sabay tikhim na siyang nagpagising sa diwa ni Gabriela na kagaya niya ay naguguluhan din sa mga nararamdaman.
Agad namang inilayo ni Gabriela ang kanyang sarili sa kanyang boss. Tumayo siya nang maayos habang kumakabog ang kanyang puso sa hiya na nararamdaman at halos hindi niya magawang tingnan ang kanyang boss sa mga mata nito.
"G-gusto n-niyo po bang t-tawagan ko si Mrs. Rosco para bantayan kayo?" tanong niya para lang makailiko niya ang atensiyon ng kanyang boss.
"She's not here."
Napatingin ang dalaga sa kanyang boss nang marinig niya ang naging tugon nito. Nakita niya sa mukha ni Clement ang pagiging matamlay nito nang sabihin nitong wala ang asawa nito.
"Nasaan po siya?" tanong niya pero nang mapagtanto niyang boss niya ang kanyang kausap at wala siyang karapatang mag-usisa sa personal nitong buhay ay bahagya niyang natampal ang kanyang bibig.
"Sorry po. Masyado na ba akong mabusisi?" nahihiya niyang tanong.
"She's gone for business trip," agad nitong sagot at napatingin naman ang dalaga rito na para bang hindi makapaniwalang sasagutin ng boss niya ang kanyang tanong.
"Ganu'n po ba?" tanong niya sa mahinang boses, "S-sino po ba ang dapat kong tawagan para may magbantay sa inyo rito?" muli niyang tanong.
Hindi naman kasi siya maaaring mananatili rito dahil may mga trabaho rin naman siya at nakakahiya naman kung siya ang magbabantay, okay lang sana kung kadugo siya nito kaso napakalayo sa makatotohanan ang lahat nang anumang connection ang mayroon siya sa kanyang boss.
"No! You don't need to do that," agad nitong pigil sa kanya na siyang ikinataka niya.
Bahagya ring tumaas ang kanyang kilay sa tinuran ni Clement.
"P-pero, bakit ho? Wala hong magbabantay sa inyo kung ganu'n."
"I don't want my son to get worried kapag nalaman niyang nasa hospital ako," rason nito. Naiintindihan naman niya iyon. Sino ba kasing mga magulang na handang tiising makita ang anak na nag-aalala para sa kabkla.
Pero, nagkakagulo naman tuloy ang kanyang isipan sa mga tanong na hindi naman niya alam kung saan niya kukunin ang mga kasagutan.
Kung hindi ito papayag na tatawag siya ng magbabantay dito, papaano na lamang ito? Walang magbabantay dito? Mag-iisa na lamang ito sa loob ng kwarto nito kapag aalis na siya.
"Mr. Rosco, w-wala po'ng magbabantay sa inyo rito kung----"
"It's okay. I used to it," agad nitong singit sa iba pa sana niyang sasabihin, "You can go back to the company now. They need you," pagtataboy nito sa kanya at kahit na konsensiya niya ang iwan ito nang mag-isa ay wala na siyang nagawa pa kundi ang sundin na lamang ito lalo na at muli siya nitong sinabihang umalis na lamang.
Bago pa man siya tuluyang umalis ay muli niyang tiningnan ang kanyang boss at nakita niya ang pagsenyas nito sa kanya na umalis na.
Umalis siyang mabigat sa kanyang kalooban dahil nga siguro sa konsensiya na kanyang nararamdaman. Iniwan niyang mag-isa ang kanyang boss, walang kasama, walang mapapakiusapan at walang makakausap pero ano bang karapatan niya para mag-aalala para sa kanyang boss? Dapat nga ang sarili niyang buhay ang kanyang inaalala dahil hindi pa malinaw sa kanya ang kanyang magiging kinabukasan.
Samatalang inayos naman ni Clement ang kanyang pagkakaupo sa ibabaw ng kanyang higaan saka siya napatingin sa labas ng bintana.
Kanina pa paggising niya alam na niyang masama ang kanyang pakiramdam pero talagang tiniis niya ang tungkol sa bagay na 'yon dahil marami pa siyang kailangang ayusin sa kanyang kompanya at paraan na rin niya iyon upang kahit papaano ay mapapatahimik niya ang kanyang sariling isipan mula sa mga nangyayari sa kanyang pamilya.
Almost 8 years na siyang kasal kay Kathryn, ang ina ng kanyang anak na si Yuan, anim na taong gulang na. Sa loob ng halos walong taong kasal ay nararamdaman ni Clement ang pagbabago ng kanyang asawa, nakakaamoy na siya ng kakaiba sa kanilang relasyon.
Halos wala nang oras si Kathryn sa kanya dahil lagi itong umaalis, lagi itong busy pero okay lang naman sa kanya ang tungkol sa bagay na 'yon dahil nakikita naman niya minsan na abala nga talaga ito dahil Vice President ito ng kompanya habang siya naman ang president.
Pero, minsan may mga lakad itong hindi niya alam at walang kinalaman sa kompanya na siyang lalong nagbigay sa kanya nang dahilan upang mag-isip ng hindi maganda.
Ang pagkawala ng oras at atensiyon nito sa kanya ay pinipilit niyang tanggapin at isiping ganu'n nga talaga siguro ang mag-asawa, habang tumatagal nagkakasawaan na pero ang pagkawala ng kanyang oras at atensiyon sa nag-iisa nilang anak ay hindi na naging maganda ang bagay na 'yon. Hindi na 'yon makatarungan.
'Yon minsan ang nagiging sanhi ang kanilang pagtatalo pero dahil ayaw niyang maabutan sila ng umagang masama ang kalooban sa isa't-isa ay siya na ang unang makikipagbati.
Minsan naman ay nagsisimula ang kanilang away sa isang maliit na bagay. Lagi na lamang siyang sinasagot-sagot at sinisinghalan ni Kathryn. Laging mainit ang ulo nito sa tuwing siya ang kaharap.
Nagpapasalamat na lamang siya kung minsan sa ibang mga tao dahil nagiging okay ang pakikitungo sa kanya ng kanyang asawa kapag nasa harapan sila ng maraming tao.
Handa siyang magtiis sa ugaling ipinapakita sa kanya ngayon ni Kathryn, handa siyang intindihin ito kung wala na itong oras para sa kanya. Nakahanda siyang palagpasin ang lahat basta ba, hindi lang niya ito mahuhuling nagluluko dahil baka kung ano pa ang kanyang magagawa kung magkataon!