“Akalain mo kasal pala kayo ni Sir Ethan kaya naman pala ganun ang treatment nya sayo.” natatawang wika ni Ms. Harley habang magkatabi sila sa upuan. “Ikaw ang pinag uusapan ng buong company tulad ko hindi rin sila makapaniwala na 7 years na kayong kasal ni Sir Ethan. Kung di pa nag trending yung video nyo ni Ms. Alliah wala kaming kaalamalam na asawa ka pala ni Sir.” “naku maam Harley mahabang kuwento po kasi kaya nakakatamad din mag kuwento.” ngibit ni Zoe na mag sasalita pa sana ng napakunot ang noo nya ng may makitang isang lalaki na palabas ng event hall. Agad syang nag excuse para sundan ang lalaking nakita. “Saan ka pupunta mag sisimula na ang event.” “Restroom lang po maam balik din po agad ako.” pag sisinungaling nya saka nag mamadaling lumabas ng event hall. ***** “Martin.”

