UNCLE JAXX NATATAKOT ako na baka tuluyang magalit sa akin si Yanna at hindi niya ako mapatawad kaya kahit ayokong iwanan siya ay napilitan ako na lumabas ng aming silid at manatili rito sa opisina. Umaasa ako na kapag binigyan ko siya ng oras para makapag-isip ay maintindihan niya ang sitwasyon ko. Hindi ko kakayanin kapag tuluyan siyang nawala sa buhay ko. Wala akong ideya kung ilang oras na ang lumipas simula nang hayaan ko si Yanna na mapag-isa muna. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali. Uupo at tatayo uli at saka magpalakad-lakad dito sa loob ng aking opisina. Hindi ko mapigilang kabahan habang lumilipas ang bawat oras na hindi kami nag-uusap ng aking asawa. Kahit sandali pa lang kaming naging maayos ang aming pagsasama, nasanay na ako na siya ang kausap at kasama ko

