Kinabukasan pumasok na ako sa aking trabaho matamlay ako sa buong mag hapon ganito siguro pag nabuntis paano ko sasabihin kay mama na buntis ako matatanggap ba niya o papalayasin niya ako sa bahay hindi ko pa naman alam kung paano mag alaga ng isang sanggol sana lang ay matanggap niya pag uwi ko sa bahay para akong lantang gulay tinanong ako ni mama bakit ako matamlay pero hindi ko siya sinagot at pumasok na ako sa kwarto ko pag pasok ko pabagsak akong nahiga sa kama para akong lalagnatin baka hindi ako makapasok nito sa trabaho ko bukas . Pag gising ko ng umaga ang sakit pa ng mga katawan ko tinatawag na ako ni mama para kumain pero ako naka higa pa dahil sa masakit ang buo kung katawan mga ilang minuto pa ang nakalipas hindi na ako timatawag ni mama narinig ko nalang ang pag akyat niya dito sa kwarto ko paano ko sasabihin kay mama na buntis ako . Tinatanong ako ni mama kung may sakit ako hindi pa ako nakasagot ng bigla niyang hawakan ang aking noo wala naman daw akong lagnat . Nag palusot nalang ako na baka napagod ako sa trabaho ko kahapon, hindi muna ako pumasok ng dalawang araw para makapag pahinga at para narin makapag pa check up sa doctor pag pasok ko palang sa hospital kinakabahan ako baka may makakita na kaibigan ni mama saakin . Natigil ang aking pag iisip ng tawagin ang aking pangalan ms. yna mariano sabi ng isang nurse kaya tumayo na ako at pumasok sa loob . Sabi saakin ng doctor na normal lang daw ang nararamdaman ko dahil buntis ako . Kinabukasan maaga akong nagising dahil maayos na ang aking pakiraman maaga din na nagising si mama para mag luto , kumain na ako at pumasok nadin ako sa trabaho ko sana lang ay hindi pa nakakahalata si mama na buntis ako. Naka sakay na ako sa taxi habang nag iisip kung paano ko sasabihin kay mama na buntis ako naputol ang aking pag iisip ng malapit na ako sa trabaho ko at may napansin akong lalaki si Aiden yun sino kaya ang hinihintay niya pag baba ko ng taxi tinawag niya ako niyaya niya ako ulit sa restaurant kung san kami nag usap nung nakaraan diko alam pero nakatawid na ako papunta sakaniya maaga pa naman kaya ayos lang tinanong niya ako kung nag almusal na ako kaya sabi ko tapos na pero nag order siya ng hot choco para saakin hindi ko alam pero habang nag oorder siya naka titig ako sa muka niya ang gwapo pala niya matangos ang ilong, blue na mga mata at mapulang labi parang ang sarap halikan yna ano ba yang iniisip mo hindi ko namalayan na nakatitig na din pala siya saakin kaya umiwas na ako ng tingin dahil naka ngisi na siya . Nag tanong na din ako sakaniya kung bakit nandito nanaman siya . Sabi niya dalawang araw na daw siya pabalik balik dito para maka usap ako ano naman kaya ang sasabihin niya sakin kaya napatanong ako sakaniya kung bakit gusto niya akong makausap bakit daw hindi ako pumasok ng dalawang araw nag dahilan ako na may pinuntahan kami ni mama kaya hindi ako nakapasok hindi ko pa pweding sabihin sakaniya na buntis ako dahil baka may asawa at anak na siya ang hirap naman ng ganitong sitwasyon ginusto mo yan yna hindi mo inisip na mabubuntis ka . Nag tanong siya ulit kung ayos lang ako kasi ang pulta ng aking mukha ayy oo nga pala hindi ako nakapag lipstick kanina sa dami kasi ng iniisip ko di na ako nakapag ayos . Sinagot ko naman siya na ayos lang ako nag excuse muna ako sakaniya para pumunta ng banyo at mag lagay ng lipstick nakakahiya naman kay Aiden ang itsura ko ng ayos na ang aking mukha lumabas nadin ako kala ko umalis na siya pero nandito pa din pala siya natapos ko nadin palang inomin ang hot choco ko kaya niyaya niya na akong lumabas siya nadin pala ang nag bayad ng bill namin nag paalam na ako dahil baka malate ako naiwan naman siya. Nakalimutan ko pala itanong kung may asawa at anak na ba siya ang dami ko kasing iniisip pumasok na ako at nag log in tahimik akong nag tratrabaho ng biglang may tumawag saakin at may pinapaabot daw saakin ano kaya yun kaya lumabas ako at nakita ko yung bulaklak at chocolate san nanaman kaya galing to dami ko na ngang iniisip sumabay pa to yung mga ka office mates ko naman kinikilig sana all yna may pa ganiyan pa yung nanliligaw sayo ang haba ng hair mo yna . Yan ang mga naririnig ko sa mga ka office mates ko kaya kinikilig naman ako pero nawala ang kilig ko ng maisip ko nanaman na buntis ako paano kung hindi matanggap ng nanliligaw saakin tong baby na nasa tiyan ko . Bahala na nga Lunch break na namin ng may inabot saakin si Manong guard na paper bag ano kaya ang laman nito kaya dali dali kung Binuksan at may mga pagkain may milkshake pa na gusto ko hindi ko alam pero ito yung lagi kung binibili bago ako umuwi baka coincidence lang pero tinanong ko si manong guard kung kanino ito galing hindi daw nag sabi ng pangalan pero para saakin daw ito sa isip isip ko thank you sa nag bigay paano ako makakapag pasalamat sakaniya kung hindi siya mag papakilala ito namang mga kasama ko kilig na kilig yieee ang haba talaga ng buhok mo yna sana kami din may mag bigay saamin ng ganiyan . Tara na nga pero sa loob loob ko kinikilig nanaman ako dahil may nag bigay nanaman saakin ng pagkain binigyan ko din ang mga ka office mates ko medyo madami kaya binigyan ko sila . Bago ako umuwi sa bahay dumaan muna ako sa bilihan ng pagkain para saamin ni mama kahit na pagod na ako pag dating ko sa bahay nakita ko si mama na nag iisip kung bakit para daw akong lantang gulay palusot ko nanaman na baka pagod lang ako sa trabaho pumasok na ako sa kwarto at nag palit ng mga damit ko bumaba na ako sa kusina para kumain inayos na din ni mama ang mga pinamili ko nakatingin parin siya saakin ng may pag tataka kahit na kumakain na kami.