The Kid From The Wrong Side of The Tracks "Hindi ko talaga alam kung bakit ka nandito," untag ko kay Luke habang ginagawa niya ang dapat kong gawin para sa community service ko. Tinaasan ko siya ng kilay at saka ngumuso noong tinignan niya lang ako bago bumalik sa pagwawalis. "Akin na kasi 'yan baka mamaya niyan mapadaan pa si Miss De Guzman, imbes na mabawasan ang community service ko ay baka mas madagdagan lang." I can only imagine Miss De Guzman's sour scowling face. Nakikinita ko na ang pagtutol sa laging nangangasim na mukha niya. "Let me do this for you," untag niya sa akin at ngumiti habang nagwawalis. "Umupo ka na muna roon sa may bench." Nginuso niya ang malapit na bench sa amin. Kinuha ko ang nakasukbit niyang bag at padabog akong nagpunta roon saka siya tinitigan. Luke's

