The Invasion "Nakabihis ka na ba, Aris?" sigaw ni Nick mula sa kabilang panig ng pintuan ko. Sumunod doon ang ilang beses niyang pagkalabog sa pintuan ko. "OO! TUMIGIL KA NA SA PAGSIRA NG PINTO, OKAY?" balik na bulyaw ko at mabilisang kinuha ang mga gamit ko. Pagbukas ko ng pinto ay matalim na titig ang sinalubong ko sa kaibigan na binalikan naman niya ng isang ngiti. "Sisirain mo ba ang pintuan kong walang hiya ka?" Dahan-dahan ang pag-iling ng ulo ni Nick at kung abot ko ang leeg niya ay papalipitin ko ito hanggang sa matanggal ang mga buhok niya sa ulo. Syempre, biro lang iyon. "Ikaw kasi eh!" sisi niya sa akin. "Mali-late na nga tayo, nagro-rosario ka pa ata sa loob." "Edi sana nauna ka na!" singhal ko sa kaniya. I walked past him and climbed down the stairs of the house. Dala-da

