While Inside the Room Sa sobrang tagal namin ni Joaquin na tahimik habang nakaupo ay akala ko tinulugan na niya ako. Muli lang siya nagsalita noong tinawag ko siya. "Joaquin," sambit ko sa isang halos namamaos nang boses, "did you really shot your niece?" Hindi agad siya sumagot sa akin. Napabaling ang ulo ko sa kaniya at naghintay na muli kahit na mukhang hindi naman na niya ako sasagutin pa. Ilang sandali pa ay saka siya nagsalita. Hindi katulad ng kanina niyang tono ay mas marahan at banayad na ang pagsasalita niya. Parang nasa imahinasyon ko na lang tuloy ang narinig kong boses ni Joaquin kanina na ginamit niya para makipag-usap sa mga tao kanina. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya at sa hininga niya na iyon ay dama ko ang bawat bigat ng problema na dinadala niya na kahit k

