Chevalier "Uhh..." Ilang ako na ngumiti kay Luke habang kinukuha ko ang mga gamit ko na siyang dinaan niya sa bahay kinabukasan. "Salamat, Luke." "Sa susunod huwag mong iiwanan lahat ng gamit mo sa school!" pagalit niyang sumbat sa akin, kusang pumikit ang mga mata ko dahil sa sigaw niya na iyon. "Pati phone mo naiwan mo! Ano na lang mangyayari diyan kung wala ako? Kung saan-saan ka nagpupupunta." Muli ko siyang nginitian na labas ngipin para kung baka sakaling matunaw ang galit niya. Hinagod naman niya ang kulot niyang buhok na nakaharang na sa mga mata niya at inis na sinuklian ang ngiting binigay ko nang isang simangot. Nilapit niya ang mukha niya sa akin hanggang sa ilang pulgada na lang ang lapit namin, dahil sa medyo naasiwa ako sa abong mga mata niya ay hinila ko ang humahaba na

