You Have To Live Your Life The white ceiling of my room was the first thing that greeted me. It was plain and boring, but I thought its brightness was going to blind me. "A-aris!" pagtawag sa akin ng isang pamilyar na boses. "Bakit mo naman naisip iyon? Bakit mo naman ginawa ito sa sarili mo?" sunod-sunod na tanong niya sa akin at saka hinawakan ang kanang kamay ko na naka-suwero pa. Marahas kong tinanggal ito sa hawak niya at ibinaling ang likod sa harap niya. Sa likod ng palad ko ay ang namumuong dugo sa suwero dahil sa biglaang paghaltak ko rito. "Aris—" sambit niya pa at hinawakan ang balikat ko. Parang may napigtas sa utak ko dahil sa hawak niya na iyon. Umupo ako saka siya hinarap na nakaupo pa rin sa kanang bahagi ng kama ko at kinagat ang suwero sa nag-iisang kamay ko para tan

