Biyayang Hindi Akin

1981 Words
Sa sumunod na paggising ko ay hindi na ako nagtanong ng kung ano-ano. Hinayaan ko na lang silang gawin kung ano ang gusto nilang gawin sa akin. Bago pa man sila tuluyang makatunog na gising na ako madaling araw pa lang ay nagplano na ako. Magpapalakas ako at susunod sa ano mang sasabihin nila. Sa ganoong paraan, mas magkakaroon ako ng kalayaang gawin ang ano mang gusto ko. At pag maayos na ang kalagayan ko, hahanapin ko ang bahay namin. Hindi ko pa alam kung nasaan ako ngayon. Mas mabuting tumahimik na muna ako. Saka na ako kikilos 'pag sigurado ko nang walang hahadlang sa mga balak ko. Ang hirap kasi nitong wala akong kaalam-alam kung nasaan ba ako. Kaya wala akong choice but to bid my time. Walang mangyayari sa akin kung ipipilit kong ako si Bebang at hindi si Ianthe. Nakakakonsensya dahil halos katumbas 'yon ng pagsisinungaling. I mean, taking Ianthe's life as my own. Hindi naman kasi ako si Ianthe. Hindi ko rin alam kung paano ako napunta sa katawan ng anak ng mga Dominguez. At least, buhay ako. Tutuklasin ko kung ano ang nangyari sa akin. Para magawa ko 'yon, kailangan ko munang magtiis. No pain, no gain 'ika nga. So I sat there, quiet as a door mouse. Yes lang ako nang yes sa mga gusto nilang mangyari. Pangiti-ngiti sa amo mang sabihin nila. Dahil doon, bahagyang napanatag ang mag-asawang Dominguez. We did a lot of tests. At ang naging conclusion ng doktor, nagkaroon ako ng memory lapse dahil sa pagkakabagok ng ulo ko. Hindi ko alam kung coincidence nga ba na pareho kaming nabagok ni Ianthe. "Ano ang kailangan naming gawin para matulungan siyang maibalik ang alaala niya, doc?" tanong ni Mr.Dominguez. Nakabalik na kami sa hospital room. Halos buong araw akong isinailalim sa sari-saring tests. It was tiring but I didn't complain. Kasama nga kasi 'yon sa game plan ko. "You should expose her to places, things, people, etcetera na malapit sa kanya or may significance sa kanya. Kayo ang mas nakakakilala sa anak n'yo. Siguro naman po alam n'yo ang mga bagay na nabanggit ko." Nagkatinginan ang mag-asawa. May kung anong dumaan sa mga mata nilang dalawa sa tinginang namagitan. "Sige, doc," sabi ni Mrs. Dominguez. "Makakatulong din kung araw-araw n'yo siyang kuwentuhan ng mga masasayang pangyayari na nakalimutan niya. But please do it in moderation, dahan-dahan lang. We don't want to overload her brain. Remember, she underwent a major operation." "We understand," si Mr. Dominguez. "I think that would be all. Aside from her memory problem, your daughter is of sound health. She's good to go in two days. And don't skip on her check-ups." "Thanks doc." Magkasabay ang pasasalamat ng mag-asawa. Nang makaalis ang doktor ay lumapit sa akin si Mrs. Dominguez. Her smile was gentle. "I'm sure gustong-gusto mo nang umuwi, anak. Kaunting tiis na lang ha? Handa na ang kuwarto mo sa bahay. Sakto ang discharge mo sa pagdating ni Luna." Kumunot ang noo ko. "Sino ho si Luna?" "Best friend mo. Bago ka naaksidente ay nakaalis na siya papuntang New Zealand para magbakasyon. Alalang-alala sa 'yo ang kaibigan mo. Araw-araw namin siyang ina-update tungkol sa lagay mo." "Ah." Hinawakan ni Mrs. Dominguez ang kamay ko. "Wag kang mag-alala, babalik din ang memory mo. At kahit hindi na bumalik, gagawa tayo ng panibagong memories. 'Yong masasaya. Gusto mo ba 'yon?" Hindi ko maipaliwanag pero nang humagod sa maiksing buhok ko ang kamay ni Mrs. Dominguez ay may bumara sa lalamunan ko. Panay ang lunok ko sa pagpipigil. "S-Sige po." "Let's put the past behind. Pangako namin sa 'yo ng Mama mo, hindi ka na namin iiwan. Kung bumalik man ang alaala mo, sana makuha mong patawarin kami sa mga pagkukulang namin," dagdag pa ni Mr. Dominguez. Wala akong alam sa kuwento ng mag-anak. Kaya ang tanging nagawa ko na lang ay pilitin ang mukha kong ngumiti at tumango. Pinep-talk ko ang sarili. Self-cheering ba. Sino naman kasi ang gagawa noon para sa akin kundi me, myself and I, di ba? Kaya patience, Bebang. Patience. Diyos ko. Ituro n'yo po sa akin kung saan ako magmimina ng bundok bundok na pasensya. Baka mabaliw na ako sa kakahintay! Halos malula ako sa rangya at laki ng bakuran ng mga Dominguez nang pagbuksan kami ng maid ng gate. Sa gitna ng malawak na lupain ay nakatayo ang isang kulay puting mansyon. Pagtigil ng van sa driveway ay napansin ko kaagad ang isang matangkad na babaeng naghihintay. "That's Luna, your best friend," sabi ni Mr. Dominguez. "I-I see." Pagbaba na pagbaba ko ng van ay sumugod ng yakap sa akin si Luna. "I missed you, bruha ka!" Mangiyak-ngiyak ang babaeng abot hanggang lakahati ng likod ang buhok. "I was so worried, hindi ko masyadong na-enjoy ang bakasyon ko. And it's your fault." Dahil hindi ko alam kung anong klase ng kaibigan si Luna kay Ianthe, hindi ko alam kung paano magre-react. Nakatayo lang ako habang yakap-yakap ni Luna. Familiar ang mukha ni Luna sa akin. Pero hindi ko lang talaga maalala kung saan ko siya nakita. Hindi bale, pasimple akong magtatanong mamaya. Gagamitin kong excuse ang paniniwala nilang may amnesia si Ianthe na kasalukuyang ako ngayon. "S-Sorry." Suminghot si Luna bago bumitaw. She held me at arm's length and searched my pale face. "It's okay. Importante kasama ka pa namin. God! You gave us all a scare, Ianthe. Hindi ako kaagad makauwi dahil hindi ko maiwan si Lolo sa New Zealand. Nagkasakit din kasi siya." "G-ganoon ba?" Pilit ang ngiti ko. Pakiramdam ko magka-c***k ang pisngi ko sa effort. "Sana hindi ka muna umuwi. Mas kailangan ka ng Lolo mo." "He's okay na. Kailangan ko na rin naman umuwi dahil mag-e-enroll na tayo." Kumislap ang excitement sa mga mata niyang medyo singkit. "Aren't you excited? Because beb, I am." "E-Enroll?" Tumango si Luna. "Yes, enroll. 'Wag mong sabihing wala kang balak mag-aral this school year? I get it that you're accelerated since you're smart. You skipped a grade in elementary kaya seventeen ka pa lang grade twelve ka na. But I am telling you, don't use that as an excuse para hindi mag-aral." "H-Ha? Accelerated ako?" Brainy pala itong si Ianthe. Tiningnan ako ni Luna na para bang tinubuan ako ng sampung ulo. "Wait, why are you being extra weird? You're weird but not this," kumumpas si Luna sa hangin, "this level of weird." "Iha, sa loob na tayo mag-usap." Sumulpot si Mrs. Dominguez mula sa gilid. "Ipapaliwanag namin sa loob. Tara na," si Mr. Dominguez. Kunot-noong tinitigan ako ni Luna. Pagkatapos ay lumipat sa mag-asawang Dominguez ang mga mata nito. "Mabuti pa nga. Mukhang maraming nangyari habang wala ako." Pagkaupong-pagkaupo namin sa sofa ay ipinaliwanag ng mag-asawa ang kalagayan ng anak nilang si "Ianthe". Patango-tango si Luna. She's silent as the couple explained things to her. Nang matapos ang mag-asawa ay nailing si Luna. "Nahuli na ho ba ang nakabangga kay Ianthe?" Umiling si Mr. Dominguez. "Unfortunately, hindi pa rin. Pero regular naming pina-follow up sa mga pulis ang tungkol sa kaso. We're quite sure na aksidente ang nangyari. Wala naman kasing kaaway itong si Ianthe." "Tama po kayo. Walang kaaway itong best friend ko. Ako lang." Ngumisi si Luna sabay pabirong bangga sa balikat ko. "Kaya pasensya ka na sa malaking abala, Luna." Apologetic ang ngiti ni Mrs. Dominguez. "Kakailanganin namin ang tulong mo para maibalik ang alaala ni Ianthe." "Hindi abala 'yon, Tita. Kahit hindi n'yo i-request sa akin, kusa kong gagawin. Aba, hindi ako makakapayag na hindi bumalik ang memories niya. Marami 'tong utang sa akin." Sabay na natawa ang mag-asawa. Pangiti-ngiti lang ako. Hindi na ako makapaghintay na maiwan kaming dalawa ni Luna. May pakiramdam akong mas maraming akong makukuhang impormasyon sa kanya kaysa sa mag-asawang Dominguez. Hindi nagtagal ay umakyat na kami para pumunta sa kuwarto ni Ianthe. Hindi pa ako masyadong magaling kaya hiningal ako sa pag-akyat sa hagdan. Tumigil kami ni Luna sa pinakahuling baitang. "Pati ba kung saan ang kuwarto mo, hindi mo maalala?" tanong niya. Umiling ako. Ni hindi pa nga ako nakakaapak sa ganitong uri ng bahay kahit kailan. May kaya ang mga magulang ko noong nabubuhay pa sila. Pero hindi ganito kagarbo at kalaki ang bahay namin noon. Crystal chandeliers hangs from the ceiling. Carpeted ang grand stair case na hiningal akong akyatin. Gawa sa makintab na itim na marmol ang sahig sa ibaba. Balot naman ng gray carpet ang sahig sa pangalawang palapag. Malalaki at matataas ang bintana ng bahay, lahat gawa sa salamin. Makakapal ang kulay gold na drapes sa nakasabit sa mga bintana. Puti and dominanteng kulay ng interior. Gold rin ang trimmings at accents ng mga poste at palamuti sa kisame. Parang hotel lobby ang hitsura ng sala ng mga Dominguez. Hindi na ako magtataka kung ang mga kuwarto ay katulad ng mga suites ng isang five star hotel. "Tsk. Malala pala talaga ang memory mo. Anyway, hindi problema 'yan. Halika, sunod ka sa akin." Tahimik akong sumunod kay Luna. Kumanan kami, pinasok ang isang pasilyo. Apat ang mga pintong nadaanan namin bago kami tumigil sa ikalima sa dulo. Luna turned the knob and pushed the door open. Hindi ako nagkamali. Parang hotel suite ang kuwarto. Mint green ang kulay ng wall paper na may disenyong mga maliliit na baging at dahon. A King sized bed stood at the farther end of the room, pushed against the wall. Forest green ang kulay ng beddings. "Is this my room?" tanong ko. Inasahan kong pink sasalubong sa aking kulay. Hindi ko gusto ang kulay na 'yon kaya natutuwa ako sa nakikita ko ngayon. "Yes. Green ang favorite color mo, not pink." "Thank god!" Natawa si Luna. Hatak-hatak niya ako papunta sa higaan at sabay kaming pabagsak na nahiga doon. Napapikit ako. Tama lang ang lambot ng kama. Hindi masyadong malambot, hindi rin matigas. Sobrang layo ng pagkakaiba sa dati kong tinutulugan sa bahay ni Tita Pots. Kailan ba ako huling nahiga sa malambot na higaan? Hindi ko na matandaan ang pakiramdam ng kutson sa likod ko, maliban sa ospital. Naramdaman kong gumulong si Luna padapa. Ginaya ko na rin ang ginawa niya. Ngayon ay magkaharap kami sa pagkakadapa sa kama ni Ianthe. "Alam kong marami kang tanong. So, umpisahan mo na." Saglit akong nag-isip. "Nasaan tayo ngayon? I mean, ano'ng address ng bahay namin?" "No. 34 Kamagong St., Belleview Village, Sta. Inez." Sta. Inez? Katabi lang ng Loza del Sol! Ibig sabihin nasa kabilang bayan lang ang bahay ni Tita Pots. Salamat naman at hindi pala ako nalayo. "Ah." Bigla akong naubusan ng itatanong. "Next." "Ha?" "Kako next question." Ang kaso mo, wala na akong maisip. Kanina lang habang paakyat kami sa malaking hagdan ang daming tanong na nagsusumiksik sa isipan ko. Bakit ganoon? Ngayon parang binakanteng kuwarto ng utak ko; malinis, wala man lang alikabok ng tanong na naiwan. "Ahh…ano pa ba." "Crush mo, hindi mo itatanong sa akin?" "Huh? May crush ako?" Umikot ang mga mata ni Luna. "May amnesia ka nga. Of all the things you can forget, si Bryle pa. Hindi ko tuloy alam kung good news o bad news eh." "Bryle ang pangalan ng crush ko?" "Oo. Bryle Casius Muerte, ang jerk ng Fleur Academy." Biglang natampal ni Luna ang sariling noo. "Gosh! Ang bobo ko. Dapat pala hindi ko na lang ipinaalala sa 'yo." Fleur Academy? School mates kami? Bakit hindi ko man lang sila nakikita sa school o kaya naririnig ang pangalan nila? Pigil ang excitement na piniga ako ang sariling mga kamay. May maliit na curiousity na nabuhay sa loob ko dahil sa huling sinabi ni Luna. "Bakit naman?" "Kasi hindi siya ka-crush crush. Sinemento mo lang lalo ang pagiging weird mo dahil sa kanya ka pa nagka-crush. May reputasyon ka nang weird sa school eh. Lalo ka pang naging weird sa paningin ng mga estudyante sa Fleur dahil si Bryle ang crush mo." Ano bang mayroon ang Bryle na 'to at parang sukang-suka si Luna? Pangit ba? Base sa nakita ko sa salamin, maganda si Ianthe. Hindi naman sa nang-aano ah, pero hindi naman siguro magkaka-crush ang ganoon kagandang babae sa swanget no? Naku, maniniwala na talaga ako kay Luna na si Ianthe ang nakaupo sa trono ng ka-weirduhan 'pag nagkataon. "Hindi naman siguro a-ako magkaka-crush sa panget, ano?" Muntik na akong mabilaukan sa pagkakasambit ko ng salitang ako. "Patingin nga ng picture niya kung meron ka." "Ano'ng silbi ng phone mo? Doon ka maghanap ng pictures niya dahil sandamakmak naman ang stock mo," angal ni Luna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD