CHAPTER 3 - ELYU
---
GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV
"Tulong! Tulong! Tulongan niyo kami!" nag-aalalang sigaw ng ale.
Nang bigla akong namulat...
Gulat na gulat ako sa nangyari. Pagmulat ko, napapalibutan na pala kami ng mga tao, pero agad ding nag-alisan ang mga ito.
OMG, nahimatay pala ako. Nakaramdam ako ng nerbyos kaya agad akong humingi ng tubig.
"Pasensya na po sa abala, Nay," sabi ng ale, na siya ding nag-abot ng tubig sa akin.
Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Grabe, ganito pala ang pakiramdam ng may taong nag-aalala sa'yo. Naamoy ko rin ang amoy ng isang menthol na ipinahid niya sa ilong ko nang mahimatay ako.
"Maraming salamat po, Nay," pasasalamat ko habang hawak ang kamay niya.
"Teka, saan ba ang bahay mo, Ineng? Gusto mo bang ikuha kita ng taxi? Lumalalim na ang gabi, oh. Kami kasi ng anak ko, nag-iintindi pa kami ng bus dito sa terminal."
At tila bumalik ako sa aking ulirat nang marinig ko iyon. Oo nga pala, saan nga ba ako pupunta?
Hindi ako nakaimik, hanggang sa biglang dumating ang bus at sumakay na silang mag-ina.
Naiwan ako mag-isa sa may upuan at nag-iisip-isip...
"Ohh? Wala na ba d'yan? Aalis na tong bus!" sigaw ng kundoktor.
"Wala na ata, pare, tara na!" tugon ng driver.
At nang paalis na ang bus...
"Manong! Manong!" sigaw ko habang hinahabol ang bus.
Mabuti na lang at mabagal pa ang takbo nito, kaya nakaabot pa ako sa may pinto.
"Ano ka ba naman, sasakay ka pala. Kanina ka pa nakatulala sa may upuan. Jusko po, mga kabataan talaga ngayon!" naiinis na sabi ng kundoktor.
Hindi ko na pinansin ang mga sinabi niya, basta umakyat na ako at naghanap ng mauupuan. Sakto, may nakita akong bakante sa may harapan kaya umupo na ako.
At dahil sa pagod, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Hanggang sa naramdaman kong may nangangalabit na sa akin.
"Hoy, Miss. Gising!" wika ng kundoktor. Pero hindi pa agad ako nakamulat dahil sa sarap ng tulog ko.
Matapos ang ilang segundo, nagulat ako sa lakas ng pagsigaw ng kundoktor. "HOY, MISS!! WAG KANG MAGTULOG-TULOGAN D'YAN!! LUMANG TUGTUGIN NA 'YAN!! ALAM KO NA YANG MGA MODUS NIYO NA GANYAN!! ASAN NA ANG BAYAD MO!!" galit na sabi ng kundoktor. Sobra ding nanlilisik ang mata nito kaya nakaramdam ako ng takot.
"Ahh, sorry po, Kuya," mahinahon kong tugon, halos hindi ko matanggap ang galit ng kundoktor.
"Yung bayad mo? Saan ka ba bababa? Tumatagal tayo, eh. Madami pa akong gagawin, Ineng," na tila nanggigigil na sa akin.
Hindi ako makasagot dahil wala akong ideya kung saan nga ba ako pupunta at kung anong ruta itong pupuntahan namin. Basta nalang kasi ako sumakay dahil natatakot akong maiwan mag-isa sa terminal.
"Ano?! Tsk!! Alam mo, napupuno na ako sayo, babae ka ha. Kanina ka pa, sa terminal pa lang. May pambayad ka ba talaga?! Kung wala, papababain na kita dito. Bahala ka, nasa gubat-gubat pa naman tayo!" pananakot ng kundoktor.
OMG, ano ba 'tong pinaggagawa ko sa buhay ko? Hindi ko na napigilang mapaiyak sa sitwasyong ito. "Sorry po, Kuya. Hindi ko kasi alam kung saan ako pupunta, eh. Sige, bababa na lang ako."
Tumayo ako at naglakad na papunta sa pinto nang biglang may nagsalita...
"Teka, Ineng! Wag kang bababa!" sigaw ng isang ale mula sa may bandang likod.
"Eto, Kuya, ang bayad. Kasama namin siya. Kasama namin yang babae, heto, kunin mo ang bayad." At lumapit pa ito sa kundoktor.
Laking gulat ko nang makita ko ang ale na nakasama ko kanina sa terminal. Hindi ko napigilang mapahagulgol nang muli akong salbahin ng Aleng iyon. Niyakap ko siya ng mahigpit habang humahagulgol sa pag-iyak.
Pinaupo naman ako nito sa kinauupuan nila, kaya doon ko na din napagpasyahan na tuluyan nang sumama sa kanila.
Tunay talagang napakabuti ng puso ng Aleng iyon. Kahit na hindi niya naman ako lubusang kilala, tinutulungan niya pa rin ako. Kaya pagbaba namin, tinanong ko ang pangalan niya at napag-alaman ko na ang pangalan niya pala ay Emma Dizon, at si Faith naman ang kasama niyang anak, ang nag-iisa niyang anak.
Wala akong masabi sa kabaitan nila. Hindi din sila nagdalawang isip na tanggapin ako at manirahan sa bahay nila. Kaya napakalaki ng utang na loob ko kina Mama Emma at Faith... Habang buhay ko itong tatanawin na utang na loob sa kanila, kaya ginagawa ko ang lahat para mabigyan sila ng isang kumportableng buhay bilang ganti sa kanilang kabaitan...
Flashback End...
---
LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV
"Operation success, guys. Good job!" Masayang sabi ni Miguel sa mga kasama nito sa loob ng operating room.
"Sige na po, Doc. Kami na po bahala maglipat sa room ng pasyente. Alam naman po namin na wala pa po kayong pahinga sa dami ng pasyente ninyo." May pag-aalala sabi ni Nurse Summer.
"Oo nga po, Doc. Kami na po bahala dito," pagsang-ayon pa ng mga kasama kong nurses dito sa OR.
"Okay, thanks, guys. Just call me when you have any problem or need anything. Pupunta lang muna ako sa office to rest." Nakangiti kong tugon sa kanila at lumabas na ako ng OR pagkatapos.
Paglabas ko sa operating room, sinalubong agad ako ng umiiyak na pamilya ng pasyente. Tinatanong nila kung ano ang kalagayan ng pasyente at sinabi ko na successful ang naging operation, na lubos nilang ikinagalak.
Pagkatapos ng ilang minuto, naglakad na ako papunta sa office ko.
Agad akong umupo sa swivel chair ko. Hay, sa wakas! Ngayon lang nakapagpahinga.
Sinilip ko ang bintana ko at pansin kong mag-gabi na pala, at mukhang malakas ang ulan kaya medyo nakaramdam ako ng pagkaantok. Medyo napapapikit na ako sa upuan ko nang makarinig ako ng pagbukas ng pintuan sa office ko. Pero hindi ko ito pinansin dahil sa sobrang pagkaantok ko.
"Miggy boy???!!" isang boses na agad na nagpagising sa akin.
Sigh! I know it's Mom. At paglingon ko, hindi nga ako nagkamali. Kasama din nito si Daddy. Bumeso ako sa kanila at pinaupo sa upuan sa tapat ng table ko.
"Oh, Dad, Mom, bakit po kayo nandito? May problema po ba?"
"Problema agad? Ito talagang Miggy boy ko. Hindi ba pwedeng namiss ka lang ng Mommy at Daddy mo?" Matawa-tawang sabi ni Mommy. At napangiti na lang ako.
Hay, nako, paano ba naman kasi, pupunta lang naman sila dito para mang-alaska at kulitin akong magka-girlfriend o kung hindi man, apo na lang daw. Katwiran kasi nila, hindi na daw sila bumabata at kailangan ng mga tagapagmana ng mga angkan namin.
Nag-iisang anak lang kasi ako nina Mom and Dad, at hindi na nila ako sinubukang dagdagan dahil maselan si Mommy magbuntis at maaaring ikalagay ito sa peligro kung sakaling magbuntis pa siya.
"Ganito kasi, anak. Kaya kami nandito ng Mommy mo, para sabihin na ipapadala daw kayo sa Elyu, sa probinsya nitong Mommy mo, para magsagawa ng medical mission doon. Halos lumubog na daw kasi sa baha ang mga hospital doon, kaya kailangan magpadala ng mga karagdagang doktor para sa mga tao dun. Mamigay daw kayo ng mga relief goods at magbibigay ng mga vitamins para sa mga tao roon."
Oo nga pala, ilang araw na ring nababalita yang super typhoon. Kaya pala medyo maulan ngayon.
"Okay po, Dad. So kailan po ito?"
"Bukas na bukas din dahil madami na ang nasasalanta sa lugar na yun. Maski kuryente sa ilang mga lugar ay wala na din, kaya naaawa na itong Mommy mo."
Napailing naman ako sa malungkot na balitang iyon ni Daddy. Sa Elyu daw kasi ang province nina Mommy, at doon din daw sila unang nagkita kaya sobrang espesyal sa kanila ang lugar na yun.
Kaya agad kong pinatawag ang Assistant ko para sabihan ang mga nurses at doktor namin para sa paglipad namin bukas.
Nakaready na din daw ang mga relief goods na dadalhin, at galing lahat kay Gov pati na yung sasakyan namin na private plane na galing rin dito.
"Ohh siya, mag-iingat ka dun, anak, ah? Balitaan mo nalang kami ng Mommy mo."
"Opo, Dad. Kasama ko naman ang assistant ko kaya I'll make sure na mauupdate niya kayo."
Akala ko nga paalis na sina Dad at Mom nang bigla pa itong humirit.
"Ahh, Miggy boy? Madaming magaganda dun sa Elyu." Nakangiting sabi ni Mommy, na parang nang-aasar, sabay taas-baba ng kilay nito.
Tanging pag-iling at pag-ngiti na lang ang naging tugon ko sa kanya.
Hindi pa siya natapos dun, at nilapitan pa ako sabay yakap sa akin. "Malay mo diba? Like your Dad, mahanap mo na din ang forever mo dun." Nakangising sabi ni Mom.
Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti sa kulit ng magulang ko. "Mom, really? Medical mission, right? So hindi ako makakapambabae dun?"
"Hay nako anak, don't you remember? Pasyente ko din tong Mommy mo noon? Kahit nga wala nang sakit, eh sige pa rin ang pacheck-up niya sa akin. Ayan tuloy, tinurukan ko na para wala nang kawala." Malokong sabi ni Daddy sabay tawa ng malakas with Mommy.
Hay nako, puro talaga kalokohan itong magulang ko. At sabi ko na nga ba, sa pangungulit pa rin talaga mauuwi ang lahat.
"Oh siya, sige na, Mommy at Daddy. Opo, hayaan ninyo, pag may nakita ako dun, tuturukan ko din agad." Biro kong tugon kina Mom and Dad.
Tuwang-tuwa naman sila sa narinig nila mula sa akin. "Alright! That's my boy! Miggy boy!" at tuwang-tuwa silang umalis sa aking opisina.
Ahh, grabe. Mukhang mas sumakit pa ulo ko sa kanila kesa sa ilang oras kong trabaho ngayon. Hay nako, kung ganun nga lang sana kadali na mambabae na lang kahit sino, patulan ko na para lang manahimik sina Mommy at Daddy. But I am a changed man now, at nananatiling loyal kay Nica. Hayy..
At hindi ko na naman maiwasang mapatulala at mapatingin sa window ko at mapatitig sa langit.
"Hayy, Dhalia... Wherever you are... Mahahanap din kita..."
---