CHAPTER 41 – PURE HEART ---- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Pagkatapos ng tawag ay lumabas ako ng office, nagulat nang si Jeric na lang ang nakita kong kumakain sa lamesa. "Jeric, umalis na ba sila?" tanong ko nang mapansing wala na sina Monica. "Yes, boss. Need pa daw nilang dumuty kaya nauna na sila," sagot niya habang tahimik na kumakain. Napag-isip ko na hindi pa pala ako tapos kumain, kaya't sinamahan ko na siya. Nang matapos kami, naupo muna ako sa sofa para magpahinga. Habang nagpapalipas ng oras, napansin ko ang mga naiwan ni Monica sa side table-mga vitamins niya. Nako, mukhang nalimutan niya ito at halatang hindi pa bawas. Kaya't tinawagan ko agad si Head Nurse Ivy para itanong kung nasaan si Monica. Ayon sa kanya, nasa counter ito. Agad akong lumabas ng opisina para dalhin

