CHAPTER 20 - GETTING CLOSER ---- Matapos ang madugong engkwentro sa St. Rose Hospital, agarang ginamot ang mga nasugatan sa parehong ospital. Nagtamo ng tama sa binti si Blaire, habang sa bansang dibdib naman ang tinamo ni Jeric. Samantala, tanging mga galos lamang ang natamo nina Riley, Monica, at ng dalawang bodyguard na ipinadala ni Miguel. Bantay-sarado si Dr. Blaire matapos marinig ng mga pulis ang pahayag ng kanyang ninong, si Dr. Paul. Isiniwalat nito ang lumalalang kondisyon ng utak ni Dr. Blaire, na nagdulot ng kanyang unti-unting pagiging marahas. Dahil dito, minabuting bantayan siya nang maigi at pagtuunan ng atensyon ang kanyang kalagayan. Samantala, tila nagkaroon ng mas makulay na eksena sa gitna ng tensyon at mga sugat. Hindi na kinaya ni Miguel ang pagtitimpi-sa wakas

