CHAPTER 18 - CHAOS IN THE ST. ROSE ---- Sa tulong ni Miguel ay tagumpay na nakagawa ng resignation letter ang magkaibigang sina Riley at Monica. At ito ay matapos silang bigyan ng ultimatum ng Head Doctor ng St. Rose Hospital kung saan, kung hindi sila papasok kinabukasan o kahit mag report man lang ay hindi sila magdadalawang isip bigyan na bigyan ang mga ito ng negative feedback sa kanilang halos dalawang taong paninilbihan sa Hospital. Ginawa ito ng pamunuan ng St. Rose Hospital dahil sa desperado na silang mapauwi ang magkaibigan, lalong lalo na si Monica. Dahil kasalukuyang nagkakagulo ang mga tao roon. Araw araw nilang tinatamasa ang galit ng tila'y nababaliw nang Doctor na si Dr. Blaire. Dahil simula nang umalis si Monica ay halos araw araw na itong sinusumpong kung saan madal

