CHAPTER 38 – BABY DRAGON --- GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV O. M. G. Hindi ko akalaing matutunghayan ko nang personal ang Aurora Borealis—isang pangarap na dati’y napapanood ko lang sa mga documentary at nababasa sa mga libro. Parang isang napakagandang obra ng kalikasan na gumagalaw sa kalangitan. Napakatingkad ng neon green na ilaw, na may halo pang purple at pink, at sumasayaw ito na parang alon sa himpapawid. Tila may sariling buhay ang liwanag. Mas makapal ito kaysa sa inaasahan ko, kaya napakaliwanag nito, para bang isang malaking magic show na eksklusibo para sa amin. Halos hindi makapagsalita ang mga bata—nakanganga lang at halos magka-stiff neck kakatingala. Si Miguel naman, yakap-yakap ako mula sa likod, at ramdam ko ang init ng katawan niya kahit malamig ang hangin sa

