CHAPTER 22 – MISSION IMPOSSIBLE --- Habang nag iintay sina Monica sa operasyon ng kanilang Mama Emma ay sunod sunod naman ang pagdating nga mga surpresa sa kanila na galing sa mga, obvious na mga tagahanga nila. 25 na piraso ng dhalia ang natanggap ni Monica samantalang 2 piraso ng sunflower naman ang kay Riley. Ito ang ginawang nilang pampakalma habang nag iintay sa kanilang mahal na ina. Samantala, halos tatlong oras naman ang tinagal ng operasyon at naging tagumpay ang kanilang pag opera kay Emma. Agad naman itong nilipat sa ICU kung saan masusi itong babantayan ng 1 to 3 days depende sa magiging reaksyon ng katawan nito. At nang magdiwang sina Miguel sa kanilang successful na operasyon ay bigla na lamang itong nakaramdam ng pagkahilo, panlalamig, hanggang sa mawalan ito ng malay. M

