CHAPTER 24 – POUTY LIPS --- Tila isang himala ang nangyari. Agad na bumuti ang pakiramdam ni Miguel matapos siyang pakainin ni Monica. Mula sa itsurang nangayayat at hinang-hina, ngayo'y masigla na siyang nakikipaglaro at nakikipagkulitan sa mga anak. Parang biglang nagbalik ang dati niyang sigla, na ikinagaan ng loob ni Monica. Ngunit hindi nila inaasahan ang isang nakakabiglang tagpo sa parehong araw—ang biglaang pagbisita ng mga magulang ni Miguel sa opisina nito. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nasilayan ng mga ito ang dalawa na magkadikit ang mga labi at parehong nakahiga sa sahig! Subalit isang aksidente lamang iyon. Sa sobrang bilis ng pagtakbo ni Monica habang naglalaro, hindi niya nakontrol ang sarili at nabunggo niya si Miguel. Ang resulta? Ang hindi nila inaasahang awkward

