CHAPTER 36 – NEWEST MEMBER ---- GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV Actually, natuklasan ko na ito habang nasa Hong Kong pa kami, sa tulong ng Kuya ko. Hindi ko lang agad nasabi kay Miguel dahil sobrang busy niya. Kaya naisip ko, ngayong gabi na ang tamang panahon para ipaalam ang magandang balita sa lahat. Kitang-kita ko ang halo-halong reaksyon nila. Si Mommy at Daddy, parang nag-aalala, samantalang sina Tito at Tita, mukhang sobrang excited. Si Mama, tahimik pero nakangiti lang. At itong si Miguel, halata ang pagkabahala, agad pang tumabi sa akin. Tahimik ang lahat, naghihintay sa kung anong sasabihin ko. "Love, and everyone... nais ko lang ipaalam na..." Deep breath. "Buntis po ako." At parang explosion ng saya ang nangyari sa loob ng restaurant. Nagwala sa tuwa ang lahat, lalo na

