CHAPTER 10 – QUEEN BEE
----
Matapos ang naging kaguluhan sa D.G Hotel ay nagdulot ito ng matinding kaguluhan na nagresulta sa sakitan kung saan ang pinaka matinding natamaan ay walang iba kundi si Mama Emma. Natamaan ito nang lusubin siya ng galit na galit na si Olivia De Guzman, ang asawa ni Benjamin De Guzman na may ari ng St. Rose Hospital kung saan nagtatrabaho si Monica.
Nagdulot ang pagsugod ni Olivia ng matinding pagkakabagok ng ulo ni Emma kung saan nagresulta ito ng pagkakacomatose nito. Hinihikayat naman ni Miguel si Monica na sampahan ng kaso si Olivia ngunit nagdadalawang isip ito dahil kilalang kilala niya ito na may kakayahang bumaliktad ng kaso. Natatakot din ito na baka sila ay paginitan ng pamilya nito kaya mas pinili niyang tutukan nalang ng pansin ang lagay ng kanyang mahal na Ina.
Kasalukuyan namang nasa ambulansya na si Emma dahil ito nga ay ililipat sa Hospital nina Miguel kung saan ito ay mas matututukan hindi gaya sa St. Rose Hospital na tila ay may manopolyong nagaganap dahil sa isip ni Miguel ay gumaganti ang pamilyang De Guzman kina Monica matapos ang kanilang naging enkwentro.
Samantala, papaalis na sana sila nang biglang napansin ni Miguel na wala si Monica sa ambulansya...
---
LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV
Mabilis ang takbo ng oras, at dahil sa pagmamadali namin, hindi ko agad napansin na wala si Monica sa ambulansya. Napansin ko lang ito nang tumingin ako sa likuran para siguraduhing kung kumpleto na kami.
“Wait, where’s Monica?” tanong ko kina Riley, na parang ngayon lang rin napansin na wala siya. Nagtitigan sila at naghanap sa paligid, halatang gulat at aligaga.
Maging sila, walang ideya na wala pala si Monica sa loob.
“Hindi ba siya sumabay kanina?” tanong ni Riley, pero imbes na sagutin siya, Hindi na ako nagdalawang-isip. Agad akong bumaba ng ambulansya at bumalik sa Emergency Room.
Pagkapasok ko, naramdaman kong mas mabigat ang hangin sa loob, parang may mali. Hindi ko inasahan na bigla akong salubungin ng mahigpit na yakap ni Monica.
“Monica?”
“Monica?” gulat kong tanong Nararamdaman kong basa na ang suot kong damit at ang higpit ng kanyang pagkakayakap.
“M-Monica, are you okay?” nag-aalala kong tanong. Pero imbes na sumagot, nanatili lang siyang nakayakap, halos nanginginig ang katawan.
“Monica, ano bang nangyari?” malambing kong tanong habang hinahagod ang kanyang likod. Pero bago ko pa makuha ang sagot, bigla siyang kumalas at mabilis na tumakbo palabas.
“Monica, wait!” sigaw ko, pero hindi siya huminto. Naiwan akong nakatayo, Na nagtataka at nag-aalala sa ikinikilos niya.
Nanatili akong nakatayo roon, nagtataka kung ano ang nangyari. Bakit siya biglang umiyak? At ano ang nakita niya habang wala kami?
Napalingon ako sa paligid, sinusuri ang bawat sulok. Doon ko napansin ang isang kwarto na bahagyang nakabukas ang kurtina. May gumalaw sa loob—isang anino ng lalaki. Pero nang makita akong nakatingin, mabilis itong nagtago.
Nanindig ang balahibo ko. Mukhang may nangyari sa loob. Hindi ko kayang balewalain ang nararamdaman kong kaba. Lumapit ako sa kwarto, bawat hakbang ay mabigat.
Pagdating ko sa harap ng kurtina, saglit akong nagdalawang-isip, pero napagpasyahan kong tingnan. Bubuksan ko na sana ang kurtina nang biglang marinig ko ang tawag ni Jeric mula sa likuran ko.
“Sir!” malakas niyang tawag, dahilan para mapalingon ako.
“Tara na daw po!” dagdag pa niya, sabay turo sa ambulansyang naghihintay sa labas.
Napatingin ako ulit sa kurtina, pilit na nilalabanan ang kagustuhang silipin kung anong nasa likod. Pero sa huli, binitiwan ko ang kurtina at naglakad pabalik kay Jeric.
Bago tuluyang lumabas ng Emergency Room, muli akong lumingon sa paligid. Nagsusumamo akong may makitang palatandaan o sagot sa kung anong nangyari. Pero wala. Tahimik na ang paligid, parang wala naman talagang kakaiba.
Pero hindi mapakali ang isip ko. Ang biglang pagkawala ni Monica, ang dahilan ng pag-iyak niya at ang misteryosong pigura sa likod ng kurtina—lahat ng ito ay nagtatanim ng malaking duda at pangamba sa puso ko.
Habang papalayo na ang ambulansya, isang bagay ang sigurado ako: hindi matatapos ito nang ganito lang. Kailangang malaman ko ang totoo, lalo na pagdating sa kaligtasan ni Monica.
----
Samantala, lulan ng ambulansya ng St. Rose Hospital kung saan sakay ang pasyenteng si Emma ay patungo sina Miguel, Monica, Riley at Faith sa isang Field kung saan kasalukuyan naka park si " Queen Bee" ang kanilang sasakyan papunta sa Maynila. Ito ang isa sa mga Air Ambulance ng Hospital nina Miguel.
Nag iisa lamang ang Hospital na Samaniego Medical Hospital na malayang nag papagamit ng kanilang Air Ambulance sa publiko. Kaya sobrang kinikilala ang Hospital nila bilang The People's Hospital dahil sa dami nitong benepisyo para sa mga mamamayan.
Kung kaya't kelan lang ay kinilala ang Hospital na ito bilang Numero Unong Hospital sa bansa. Kinilala din ito dahil sa mga mahuhusay nilang empleyado at mga high-tech nitong mga kagamitan.
Samantala, hindi naman naalis kina Monica, Riley, at Faith ang pagkamangha nang makita si Queen Bee at mas lalo na nang makapasok sila sa loob. Dahil itong Air Ambulanceay para ring isang Hospital sa loob ng isang malaking Helicopter.
Kumpleto rin ito sa mga kagamitan pang-medical at may mga room kumportable kang makakapagahinga...
---
GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV
OMG!
Yan ang sabay-sabay naming sambit ni Riley at Faith nang makapasok kami sa loob ng isang napakalaking helicopter. Ang tagal ko nang naririnig ang tungkol dito, pero hindi ko inasahan na ganito pala kabongga ang loob ng air ambulance na ito. At ayon kay Miguel, isa daw itong special na transportasyon na ginagamit ng hospital para sa mga emergency cases. Pero ngayon lang ako nakaranas ng ganito, at hindi ko talaga maisip na makakasakay kami sa isang bagay na ganito ka-luxury. Hindi ko inaasahan na ganito pala kabongga ang loob nito—parang isang hospital suite na literal na nasa ere.
“Grabe, girl. Wala talaga akong masabi. Napakabongga talaga ng hospital nila.” Namamanghang sabi ni Riley habang pinagmamasdan ang bawat sulok ng helicopter.
Naupo kami, pero maya-maya pa’y pinapalipat kami ni Miguel. May mas malaking kwarto raw sa loob kung saan mas komportable kaming makakapahinga.
"Wait," aniya, nakangiti. "Doon kayo sa mas malaking room. Mas maganda roon, at makakapagpahinga kayo ng maayos habang nasa biyahe."
Nagtaka kami pero sinundan siya. Nang binuksan niya ang pinto ng isa pang room sa loob ng helicopter, halos malaglag ang panga ko sa nakita.
“Oh my god!” napatili ako. "Alonzo! Alison! Addiii!"
Ang tatlong anak ko, nandoon, kasama si Ate Lucy. Agad nila akong sinalubong ng mahigpit na yakap.
“Grabe, sobrang namiss ko kayo!” Naiiyak kong sabi, at hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya at nahirapan sa mga sandaling iyon. Hindi ko akalain na makakasama ko sila sa biyahe papuntang Maynila, kahit pa ang kalagayan ni Mama.
Matagal na akong nag-aalala tungkol sa mga bata at kay Ate Lucy, na maiwan na naman sa bahay. Wala akong idea kung gaano katagal kami bago makabalik, lalo na’t comatose si Mama. Kaya’t makita ko silang buo at maligaya, medyo nakahinga ako ng maluwag.
Habang yakap ko ang mga bata, napansin kong umiiyak silang apat—kasama si Ate Lucy. Alam na pala nila ang nangyari kay Mama. Nakaramdam ako ng kirot sa puso. Alam kong mahal na mahal nila ang Lola Emma nila. Malapit sila sa Lola nila dahil siya ang kasama ko sa pag-aalaga noong mga panahong wala pa si Ate Lucy.
"Mommy, isn't Grandma Emma going to wake up? She'll get better, right?"tanong ni Alison, humihikbi habang nakatingin sa akin.
Ang sakit marinig ng tanong na iyon. Ramdam kong nasasaktan sila para sa Lola nila. Pilit kong pinigilan ang sarili ko na tuluyang humagulgol, pero hindi ko na rin napigilan. Tumulo na rin ang mga luha ko.
Hinawakan ko ang kamay nila, at niyakap ko sila nang mahigpit. “Oo naman, gagaling ang Lola ninyo,” sinubukan kong ngumiti kahit may luha sa mata. "Grandma Emma is so brave, right? So we need to be strong too. She needs to feel that energy to wake up and get better. I promise, Grandma Emma will wake up soon."
Napangiti si Alonzo kahit may luha pa sa pisngi. "Okay, Mommy. We'll be strong so that Grandma Emma can wake up."sabay-sabay nilang tugon, sabay yakap sa akin nang mas mahigpit.
Matapos ang emosyonal naming pag-uusap, sabay-sabay kaming nag-alay ng dasal. Ipinagdasal namin ang paggaling ni Mama at ang lakas ng loob naming lahat.
Ilang minuto lang ang lumipas at unti-unti na silang napapikit. Tinulungan ko silang humiga, pinahiran ang mga luha nila, at binantayan hanggang sa tuluyan silang makatulog. Nakita ko ring nakatulog na rin sina Faith at Ate Lucy, kaya kami na lang ni Riley ang natirang gising.
Hindi ko pa rin maialis sa isip ko ang nangyari kay Mama. Gusto kong pumunta sa room ni mama dito sa helicopter para tingnan siya, pero bago ako kumilos, lumapit si Riley.
“Bes, hindi ka pa rin inaantok?” tanong niya, hawak ang tasa ng kape.
Umiling ako. “Hindi pa. Gusto ko lang kamustahin si Mama,” sagot ko, pilit na pinipigilan ang pag-aalala sa boses ko.
“Samahan na kita,” sabi ni Riley.
---
Nang makarating kami, tahimik kaming nagtuturuan ni Riley kung sino ang unang papasok. Walang gustong mag-volunteer, kaya ang ending, nagtutulakan kami.
" Girl, pasok na. Ikaw na ang mauna tapos dito ako sa likod mo." sabi ko, pilit na itinutulak siya papunta sa pinto. Pero sa halip na sumunod, mas lalo niya akong itinulak pabalik.
" Ihh! Ikaw na girl, nakakahiya!"
reklamo niya sabay tulak nang mas malakas.
" Ano ba, girl! Wag mo kong tulakin baka mamaya matapon mo ako kung saan gaga ka. Ikaw na kasi ang mauna!" gigil kong sabi.
“Bakit ba ako? Eh kayo namang dalawa ang may—hmp!” pang-aasar niya.
"Anong 'hmp!' ang pinagsasabi mo d'yan?" tanong ko, nakasimangot at puno ng inis.
"Something!" sagot niya, sabay kindat. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bigla ko siyang nasabunutan.
"Aray, girl! Ano ba!" reklamo niya, pero hindi ko siya tinantanan.
“Bwisit ka kasi eh! Something-something ka diyan? Eh nakakabwisit nga ako sa ‘kanya,’ tapos sasabihin mo may ‘something’ kami? Eww!” asik ko, halos sumabog na sa inis.
Habang nagtatalo kami kung sino ang dapat maunang pumasok, bigla na lang...
" Ayyyyy!" pagsigaw ko nang magulat ako dahil bigla akong nabunggo ng malakas mula sa likuran ko. Kamalas malasan pang naapakan ko ang sarili kong paa kaya pakiwari ko'y mahuhulog ako sa sahig.
At kahit na napakapit ako sa damit ni Riley ay wala ring silbi dahil nadulas lang ito sa kamay ko.
" Ayy! Puk* mo!" pagsigaw ni Riley dahil natumba rin siya nang makapitan ko.
Nagmistulan namang slow-mo ang lahat dahil halos mahalikan ko na ang sahig nang bigla nalang tila tumigil ang mundo...
Omg! Huminto ako, bakit huminto? at ramdam kong may nakakapit sa akin!
At agad ako nitong tinayo ng dahan dahan.
Ramdam ko ang matitigas na parte ng katawan nito na nakayakap sa akin mula sa likuran. dahan pa akong lumingon...
---
LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV
Medyo late na at malapit nang mag-1 AM. May 30 minuto na lang kami bago makalapag sa hospital. Dahil malapit na, naisip ko na magtimpla ng kape. Tulog si Jeric, ang assistant ko, kaya ako na lang ang gagawa. Alam ko naman na pagkalanding namin, magsisimula agad ako ng shift para asikasuhin si Tita.
Tumayo ako at nag-stretching, medyo nakakaramdam ng antok. Pagkatapos, lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina para magtimpla ng kape.
Pero bigla akong nabangga ng hindi inaasahan. Hindi ko siya nakita dahil ang harang lang sa amin ay kurtina, at hindi ko alam na may tao pala roon.
F*ck! Bulong ko sa isip ko nang mabangga ko siya. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ko at nahawakan ko siya agad. Kung tatanungin ako, halos muntik ko na siyang hindi masalo dahil hindi ko alam na may tao roon.
Inalalayan ko siya, mahigpit ang pagkakahawak ko para hindi siya matumba.
At doon ko siya nakilala.
Ang amoy niya, ang init ng katawan niya, ang balingkinitang katawan—kahit nakatalikod siya, agad ko nang alam kung sino siya.
Dahan-dahan siyang lumingon.
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya nang makita akong andun. Agad niyang inalis ang pagkakahawak ko at humingi ako ng paumanhin.
"Ahh, sorry, Monica. Hindi ko kasi alam na nandiyan ka pala."
"Ahm, sorry din po, Doc," sagot niya, halatang naiilang at makikita mong may kaba sa mukha niya.
"Nasaktan ka ba? Pasensya na talaga, hindi ko sinasadya," tanong ko, habang tinitingnan ko kung may mga sugat o pasa siya mula sa pagkabangga.
Bago pa siya makasagot, may bigla akong narinig sa gilid...
"Ahhh! Aray!!!"
Sabayan kaming napalingon ni Monica, at laking gulat ko nang makita ko si Riley, nakaupo sa sahig, hawak ang tagiliran niya. Agad ko siyang tinulungan.
Sumakit ang balakang ni Riley habang hawak niya ito. "I—parang may nabali po yata nang malaglag ako... Okay lang ako. Sandali lang..."
Luhod ako sa tabi niya, tinitingnan kung may malubhang pinsala. "Sigurado ka ba? Hayaan mong tulungan kita—"
---
GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV
Hay nako, kamuntikan na talaga ako dun. Mabuti na lang at sinalo niya ako—feeling safe na safe ako! :-) ...Ayy, teka, teka >:-/, or should I say, maigi talagang sinalo niya ako, kasi kung hindi, makakatikim talaga siya sa akin! Halos mahulog na ang kaluluwa ko nung unti-unti kong nakikita ang sahig, kaya buti na lang nahawakan niya ako bago pa man mangyari ang lahat. Yun nga lang...
"Sakit ng balakang ko, be..." nagmamaktol pa rin siya sa akin. Eh kasi naman, kung pumasok na lang siya agad kanina, wala sanang ganitong eksena!
Pero F na F niya naman, kasi pinag-cold compress pa siya ni Miguel. Nakakatuwa silang tignan, lalo na si Miguel, kasi may cold compress sa kanan, tapos mainit na towel sa kaliwa. Hay nako, masyado kasing nagpapa-uto kay Riley, eh...
---
Samantala, matapos ang ilang minuto, inabisuhan kami ni Miguel na malapit na kami sa hospital, kaya pinagreready na kami.
Kaya ginising ko na ang mga bata pati na rin sina Ate Lucy at Faith. Nang matapos, naupo na kami para sa takeoff ng helicopter.
Sa unahan, nakaupo sina Miguel at ang assistant nitong si Jeric, kasama ang dalawang nurse, habang kami naman ay sa likod.
Kalong ko si Alonzo na tulog pa rin sa mga oras na iyon. Nagkukwentuhan kami ni Riley habang pinagmamasdan ang paligid mula sa bintana.
"Teka nga pala, alam mo, nagtataka ako kung paano nila nahanap si Ate Lucy. Kasi isipin mo, wala naman akong binigay na number or address para makontak nila ni isa sa pamilya natin. Maging si Kuya, wala ring kaalam-alam sa cellphone number ko. Sa tingin mo, paano nila nagawa yun?" nagtataka kong tanong kay Riley, kasi matagal na talagang gumugulo ito sa isip ko at ngayon ko lang nakuha ang pagkakataon para itanong.
"Uhmm..." tanging sagot ni Riley, at halatang pinipigilan ang tawa.
"Bakit hindi mo tanungin si Ate Lucy? O kaya yung mga bata?" nakangiti niyang sagot. Tila nakakaramdam ako na may alam si Riley, pero hindi ko na lang ito pinansin para hindi na siya magtampo. Nakita ko kasing medyo sumasakit pa ang balakang niya, tapos pagbibintangan ko pa siya, kaya minark ko na lang as "safe" ang usapan.
Kaya tinanong ko si Ate Lucy, at maging siya ay nagtataka kung paano sila natunton. Nagulat na lang daw sila nang may dalawang gwapo na biglang kumatok sa pinto at hinahanap siya. At napag-alaman ko nga na sina Kuya pala ang nagsundo sa kanila.
Hindi na siya nagdalawang-isip na papasukin sila dahil bukod sa gwapo nga ay kapatid ko pa, kaya tiwala siya sa kanila.
Hay, napakahusay talaga. Sa galing mag-alaga ni Ate Lucy, sa gwapo lang siya bumibigay. Sana pala nailagay ko sa requirements nung naghahanap ako ng nanny na hindi magiging ganito karupok, kalurkey! Daig pa na-hypnotize!
Hanggang sa maya-maya ay nilapitan kami ng assistant ni Miguel.
"Ahm, hi po sa inyo," nakangiting bati nito sa amin, at lahat kami ay nakatingin sa kanya.
"Bago ang lahat, ako po pala si Jeric, ang assistant ni Dr. Lorenzo Miguel. Ahm, nais ko munang humingi ng paumanhin dahil alam kong pangit ang tingin ninyo sa akin, lalo na sayo, Madam Monica, dahil sa naging asal ko nung unang beses tayong nagkadaupang-palad. Pero yung behavior ko naman noon ay bahagi lang ng trabaho ko, at ito nga ay upang protektahan ang aking boss, at syempre, bahagi ng pagpoprotekta ko sa kanya ay ang pagprotekta ko rin sa mga importanteng gamit nito."
Nagulat ako sa biglaang paghingi ng dispensa ni Jeric. Out of nowhere, humingi siya ng tawad sa amin, at sobra ko itong na-appreciate. Mas naintindihan ko na ngayon ang side niya.
Nasabi niya nga na nais niyang tuldokan ang pangit na impression at iparating na katulad ng boss niyang si Miguel, handa rin siyang tumulong sa amin. Sobra akong natuwa, dahil sa totoo lang, nakakaramdam pa din ako ng konting kaba sa kanila, kasi hindi naman talaga namin sila lubusang kilala. Pero sa pinapakita nilang ito, pinapatunayan nila na dapat talaga silang pagkatiwalaan, at sobra ko itong nirerespeto.
"Ayun, at syempre, dito sa nakaengkwentro ko na si Pareng Riley. Pare, salamat! Kasi napakabuti mo, kahit na inangasan kita nung una, hindi ka nagdalawang-isip na kaibiganin ako at pagkatiwalaan. Kaya sobrang thank you, pre!" nakangiting sabi ni Jeric, at nakipagkamay pa ito kay Riley.
Tawang-tawa naman ako, kasi alam ko talaga na type ni Riley si Jeric, pero tinatawag siya ni jeric ng "pare." Kakaloka!
"Walang anuman, pare. Alam mo naman tayo, diba? Brotherhood talaga, kasi mahal natin ang isa't isa, kaya sino pa ba ang magtutulungan?" sabi ni Riley.
Biglang tumahimik ang lahat...
"Ohh? Ano ba naman kayo? Grabe, ang malilisyoso ha? Huwag ganun, gagi! Kahit mga lalaki kami, may mga ganito kaming side. Diba bro? May soft side din kami, pambihira naman kayo. Bigyan mo nga ako ng isa, bro!" OMG, tila ako ang nahihiya para sa kaibigan ko.
At talagang nagyakapan pa sila. Hay nako, kung kanina pa-girl si Riley kay Miguel, ngayon naman lalaking-lalaki ang peg. Hay nako! Ang sarap award-an bilang Higad of the Year.
"Salamat, pre. Oo, totoo yan. Kaya salamat ng marami sayo, kasi kung hindi dahil sa pare ko na 'to, hindi namin matutunton sina Ate Lucy at mga anak mo. Kaya sobrang salamat sa tiwala, at ayan, naging sorpresa pa para sayo," nakangiting sabi ni Jeric, at bigla rin akong napatingin kay Riley. Maswerte na lang siya at nandito si Jeric, kasi kung hindi, sigurado matitikman na niya ang mag-asawang tadyak at sampal. Charot!
"Salamat ha, sobra akong nasurprise. Lalo na dito sa pare mong si Riley. Ang galing! Surprise na surprise talaga ako, gusto ko nang maluha, oh? Ayaw lang pumatak."
Hanggang sa maya-maya, naghudyat na ang piloto na ready na kaming mag-take off, kaya bumalik na si Jeric sa kanyang kinauupuan.
---
LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV
At sa wakas, nandito na kami. Pagkatapos ng isang oras na biyahe, nakarating din kami sa hospital. Hindi ko na sinayang ang oras at diretso na namin si Tita Emma sa ICU, kung saan siya masusing susuriin ng ibang doktor.
Kaya nagtungo na ako sa office ko at naghanda na agad para sa duty.