Chapter 29
PALABAS NA KAMI ng airport at halos malag-lag ang panga ko sa daming tao sa labas.
May mga banners sila at mukha nang asawa ko 'yon. s**t! Kinakabahan ako what if saktan nila kami ng anak ko?
Hindi ko 'to inaasahan, nagsisigawan ang mga kababaihan nang makita nila si Kerzen.
Naka-mask si Kerzen at naka-suot ng sumbrerong itim.
"Mom, what is happen? Bakit po maraming tao?" Nagtatakang tanong ni Saber sa akin.
Agad na binuhat ni Kerzen si Saber at hinawakan ang kamay ko, muntik na akong magpa-gulong-gulong sa kilig nang gawin niya iyon.
Nagsitilian ang mga fans ni Kerzen nang gawin niya iyon.
"Your daddy's fans."Bulong ko sa anak ko at ngumiti si Saber.
Nang dumating na ang mga bodyguards ay do'n na ako naka-hinga ng maluwag.
Nasa gilid ang lang namin ang mga bodyguards.
"Mr, Hidalgo. Siya ba ang asawa mo?"
Maraming reporters ang dumating at agad silang nagtatanong ng kung ano-ano.
"Ilang taon na ang anak niyo?"
Patuloy lang kami sa pag-lakad at hindi manlang tinatapunan ng tingin ni Kerzen ang mga reporters na nagtatanong.
"Maari ko ba kayong ma-interview?"
Ang lakas ng kapit ni Saber sa leeg ng daddy niya. Laking pasasalamat ko na lang na hindi natatakot si Saber sa dami nang mga tao sa paligid. Bagkus ay naka-ngiti lang siya sa mga tao.
"Ano ang pangalan ng asawa mo?"
Finally narating na namin ang kotse na sasakyan namin pa uwe sa mansion ni Kerzen.
"She's so beautiful and sexy.."
Napa-ngiti ako nang marinig ko ang sabi nang isang reporters.
"Mabubuwag na ba ang tambalang Xyngel?"
Parang kinurot ang puso ko nang marinig ko ang tanong nang isang reporters.
Sumakay na kami sa kotse at agad na pinaharurot iyon. Do'n ako naka-hinga ng maluwag.
"Are you okay, Kiddo?" Tanong ni Kerzen sa anak niya.
Saber nodded to his daddy, kaya napa-buntong hininga nalang siya.
"How about you, Wife?" Anito.
"Ayos lang.."
"I'm sorry, I thought magiging payapa ang pag-uwe natin. Sinigurado ko na 'yon na walang darating na fans. Nakaka-gulat natunugan nila ta'yo," Ani Kerzen habang naka-tingin sa akin.
Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil 'to pagka-tapos.
"I'm scared..." Tiningnan niya ako nang sabihin ko iyon.
"For what?" He ask sa napapaos na boses.
"For everything, what if ayaw nila sa amin ng anak mo? Gusto kung maging maayos ang buhay ni Saber..." Napa-kagat labi siya habang hinahagod biya ako ng tingin.
"Alam na nila ang tungkol sa'yo at kay Saber."Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"How?" Naguguluhang tanong ko. Ngumuso siya.
"Actually matagal na nilang alam na may asawa ako. Isiniwalat ko iyon sa media hindi mo lang nakita kasi iniiwasan mo ako." Anito.
Fuck! Kaya pala nagsisitilian sila nang hawakan ni Kerzen ang kamay ko.
"Akala nila nag bakasyon lang kayo ni Saber, hindi ko naman pwedeng sabihin na nilayasan mo ako kasi ayaw mo na sa akin.."Anito.
Hinaplos ko ang pisngi niya at hinalikan siya sa noo.
"Ano iyon pag-bigay galang sa NAIA?"Ani Kerzen at ngumuso nanaman.
"Can't you see, may bata?" Pinandilatan ko siya ng mata.
"Later, then?"
"Pervert..."
"Only for you..."
Mabuti nalang at naka-tulog si Saber. Baka kung ano-ano nanaman ang itatanong.
"So, magpapa-interview kaba? What about Angela? Ang tambalan niyo?" Sunod-sunod kung tanong. Ang totoo'y parang kinukurot ang puso ko.
Shit! Bakit ko ba pinagseselosan si Angela?
"Magpapa-interview ako for us, gusto kung ipakilala ka at si Saber,"Anito.
Napa-nganga ako sa sinabi niya. What? Seriously? f**k!
"What if ayaw nila sa akin at nang anak mo?"Kagat labi kung tanong.
"The hell i care, ang mahalaga gusto kita. Wala silang magagawa do'n." Anito. Kinikilig ako taena!
"Hmm, what if wala ng sumusuporta sa'yo?" I ask.
"I don't care, wife. Kaya kung isakripisyo ang lahat para lang sa'yo at kay Saber," Aniya.
Nakaka-taba ng puso ang mga sinasabi niya. Ako na yata ang pinaka-swerteng babae sa mundo.
"Thank you."
Dumating na kami sa Mansion at pinag-buksan na kami ng driver.
Dahan-dahang binuhat ni Kerzen si Saber. Ingat na ingat siya na baka magising si Saber.
Napa-ngiti ako habang pinagmamasdan siya. Lumabas na rin ako at sumunod sa naglalakad na si Kerzen.
Napa-ngiti ako nang makita ang mga kasambahay na naka-hilera sa gilid. Naka-ngiti sila habang naka-tingin sa amin.
"Welcome home po ma'am Quinzel at young master!" Sabay-sabay nilang sabi.
Napako ang paningin ko kay nanay ang mayordoma dito sa mansion ni Kerzen. Naka-ngiti siya sa akin.
"Hello po nanay.." Bati ko at agad siyang niyakap. Pagka-tapos ay nag mano ako.
"Masaya ako't bumalik kana ija, finally wala ng aaligid na mga timawa sa alaga ko."Naka-ngiting sabi ni Nanay.
Napa-tawa ako nang marinig ko iyon. "Sana nanay sinapak mo."Ngising sagot ko. Tumawa lang ang matanda at kapag-kuwan ay naging seryoso ang mukha.
"May timawa dito."Aniya.
Bago pa man ako maka-pag react ay nakita ko si Angela na naka-upo sa sofa.
Tiningnan ko si Kerzen. Napa-hinto 'to nang makita si Angela.
Angela wear a silky sleeveless dress above knee na parang hinuhubaran ng tingin si Kerzen.
Anong ginagawa niya dito?
"Oh! Welcome back honey..." Aniya at hinalikan si Kerzen sa pisngi. Hindi magawang umilag ni Kerzen dahil buhat niya si Saber.
"What are you doin' here?" Kalmado pero may diing tanong ni Kerzen.
Lumipat ang mga mata ni Angela sa akin at ganun din si Kerzen. Nangungusap ang mga mata ni Kerzen habang naka-tingin sa akin.
"Oh! You're here too?" Kumwari gulat niyang tanong. Tch!
Ngumiti ako ng peke habang naka-tingin kay Angela. Hindi ko tinapunan ng tiningin si Kerzen. I'm not mad. Sa babae ako galit.
"Yeah! What are you doin' here?"Nanadya talaga ang babaeng 'to. Iniwan ko lang si Kerzen pumapapel na siya sa buhay ng asawa ko.
"I'm here para kay Kerzen. Baka kasi kailangan niya ng taga luto niya?"Aniya. Nakita kung binigay ni Kerzen si Saber sa isang kasambahay.
"Umalis kana Angela, pagod kami sa biyahe."Pagtataboy ni Kerzen kay Angela.
"Ouch! Dati nga dito ako natutulog para alagaan ka, so ngayon bumalik na 'tong Ex-wife mo wala kanang paki sa akin?"Ani Angela. Parang dinudurog ang puso ko. Nasasaktan ako sa mga naririnig ko.
So natutulog si Angela dito?
"Get out!" Sigaw ni Kerzen.
"Kerzen, pa'no ako?" Tanong ni Angela habang umiiyak na.
"Anong pa'no ka? Can't you see, nandito ang asawa at anak ko?" Ani Kerzen.
"Excuse me.."Paalam ko at agad akong umakyat sa taas. Dumiretso ako sa kwarto kung sa'n si Saber.
"Wife..."
Hindi na ako lumingon nang tawagin ako ni Kerzen.
Pagka-pasok ko'y bumuhos ang mga luha ko na kanina pa nagbabadyang lumabas.
Lumapit ako sa natutulog kung anak at agad akong tumabi sa kaniya.
Niyakap ko ang anak ko habang humihikbi, pinunasan ko ang mga luha ko nang makita kung gumalaw ang doorknob. Agad kung inayos ang sarili ko.
"Wife.." Tawag ni Kerzen sa akin mula sa labas ng kwarto.
"W-what...?"
Pumasok siya sa loob at tiningnan niya ako. "Let me explain," Agad niyang niyang sabi sa akin.
"S-siya ba ang dahilan kaya hindi mo ako hinanap dati nang mawala ako?"Kinakabahang tanong ko. "A-at masaya at hindi ka nagsisi do'n?"Dagdag ko sa mga tanung ko.
"Wife listen..."Huminga siya ng malalim.
"Maliit lang ang bicol at cebu para 'di ka makita,"
Yumuko ako at kumalma.
"Gustong-gusto kitang yakapin at alagaan nang malaman kung wala kang maalaala, galit ako sa sarili ko at kay Caspian. Na sana hindi ko na naisip ang plano na saktan ka. I thought uuwe ka nang mansion...Wife, naka-handa na ang lahat ng surpresa! Pag-propose ko sa'yo kasi gusto kitang pakasalan iyong gusto natin. Hindi iyong pilit at gusto ng mga magulang natin...pero hindi ka umuwe at nasagasahan ka pala ng anak nang pamilyang kumopkop sa'yo, Makalipas ang isang buwan natagpuhan kita sa mag-asawang iyon at wala kang maalaala kaya nakiusap ako sa mag-asawa na dun ka muna. Binigay ko ang pangangailangan nila para maalagaan ka ng mabuti,"
Napa-kagat labi ako at pinipigilang humikbi.
"B-bakit hindi ikaw ang nag alaga sa akin?"
"Gustuhin ko man pero may nagtangka sa buhay ko, at nalaman ko na buntis ka nun, maslalo akong natakot na baka madamay kayo nang magiging anak natin...Pina-imbistigahan ko kung sino ang gagong iyon na nagtatangka sa buhay ko at sa awa ng diyos ay nahuli rin...."
He explain everything to me. Unti-unti akong nalinawan sa lahat. At malaki ang pagsisi ko dahil hindi ko siya naunawaan. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na mag explain dati mas pinili ko ang sarili kung isalba. Habang siya nadudurog at namomorblema.
Inexplain din niya ang about sa pag-pirma niya ng annulment paper dati. Isa lamang iyong fake na annulment paper. So mag-asawa parin talaga kami ngayon.
"Inalagahan nga ako ni Angela nang araw na umalis ka, lasing ako nun at tinext kita kaso ayaw mo akong puntahan..."Naalala ko ang text niyang iyon sa akin.
"Baby, i need you.."
Napa-yuko ako dahil sa katangan ko. Dahil sa pagiging makasarili ko.
"I'm sorry..."
"K-kasalanan ko naman kasi ang lahat...."
"
"Tumira ba siya d-dito?" Kinakabahang tanong ko. Umiling siya sa akin at do'n ako napanatag.
"Hindi ko hahayaan iyon na mangyare...This house is yours,"Anito.
"But...She said natulog siya dito?"
"Isang beses lang at hindi kami nag-tabi," Anito.
"Really?"
Tumango at nag-lakad siya papunta sa gawe ko at niyakap niya ako ng mahigpit.
"Ikaw lang ang mahal ko..." Bulong niya.
"Thank you..."
"I love you wife...."
"I love you too,"
KINABUKASAN ay maaga akong nagising, pinagmamasdan ko ang asawa ko na payapang natutulog.
Hinahaplos ko ang mukha niya ng dahan-dahan, This drop f*****g dead gorgeous panty dropper face.
My husband is Goddess of s*x and i'm so proud of it.
Ngumiti ako nang maalala ko ang sarili ko dati, isa lamang akong taga-hanga ni Kerzen. Isang taga hangang baliw na baliw sa kaniya. Para akong tangang naka-ngiti habang nakikita ko ang sarili ko dati no'ng high school pa ako.
"Akin lang si Kerzen, kaya ikaw b***h! Wag kang mangarap pa! Hinding-hindi ka niya magugustuhan!" Gigil na gigil ako sa Marassi na 'to.
Tiningnan ko siya ng masama sabay rolled eyes.
"How dare you! Inggetera ka lang kasi wala kang pambili nang mga 'to!" Aniya at sabay pakita ko nang mga picture ni Kerzen. Lahat nang mga gamit ko'y may mukha si Kerzen.
Napa-tawa nalang ako nang maalaala ko iyon pakiki-pag away ko sa mga kapwa fans ni Kerzen.
Dati ay tuwing gabi ay ini-imagine ko na katabi ko si Kerzen at nag-hahalikan kami.
Kilig na kilig ako nun. Kaya naman ay nag order ako dati ng unan na malaki tapos may mukha ni Kerzen.
At maslalo akong napa-ngiti nang maalaala ko ang gabing iyon na tumupad sa pangarap ko.
"Anak, I'm sorry kailangan ka namin ipakasal sa anak nang kaibigan namin ng daddy mo..."Halos malaglag ang panga ko nang sabihin ni Mommy iyon sa akin.
Agad akong umiling nang maproseso ng utak ko ang sinabi niya. Si Kerzen ang gusto kung pakasalan.
"Mom, are you kidding me? Why? Nalulugi naba ang negosyo niyo?"
"Yes! I'm sorry.."
"Mom..."
"Makilala mo ang magiging mapangasawa mo mamaya."s**t! Seryoso nga silang ipakasal ako sa lalaking 'di ko kilala.
Tumakbo ako paakyat do'n sa kwarto ko. Pagka-pasok ko'y agad kung niyakap ang unang may mukha ni Kerzen.
"Please si Kerzen nalang oh..."Pero alam kung wala na 'tong atrasan dahil kumpanya na ang pinag-uusapan dito.
"Anak mag-ayos ka na dahil gusto kanang makilala nang fiancee mo..."Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa unan at maslalong umiyak.
Ayoko...
"O-okay..."
Now nandito na kami sa isang restaurant at nag-uusap sila mommy at daddy kasama ang parents nang mapaoangasawa ko.
Parang pamilyar nga sila sa akin e, parang nakita ko na sila sa TV.
Tahimik lang ako habang nakikinig sa mga conversation nila,
"Hija! Pasensiya na't late ang anak namin," Aniya nang ginang, Ngumiti ako ng matamis peronang totoo'y kinakabahan ako, sana 'di na dumating pa.
"Okay lang p-"
"I'm sorry if i'm late, masyadong traffic at nahihirapannakong pumasok dito," Ani nang isang baritonong boses na pumutol sa mga iba kupang sasabihin, And parang pamilyar ang boses na iyon sa akin.
Mabilis pa sa bente kuwatro oras ay liningon ko na ang nag-salita at halos malaglag ang panty-este ang aking f*****g panga nang makita ko ang lalake.
"Oh! Finally he's here..."Anang ginang.
Nag-hugis puso ang dalawang mata ko, s**t! Totoo ba 'to aking bathala? O kini-kidding mo lang ako dahil alam mong dead na dead ako kay Kerzen?
"Nice to meet you, my soon to be wife,"Anito.
To be continue...