Vacation would be the most amusing thing for me sa ngayon. As a fresh college graduate, gusto ko munang magpahinga this summer bago pumasok sa trabaho. It has been a tough year for me. Lahat ng mga pagod at puyat ko for the rest of the school year is worth it naman. "Anong oras ang alis mo Bell?" Napatingin naman ako sa pintuan ng room ko nang biglang bumukas ito. Napangiti naman ako nang makita ko si Mama. "Ten o'clock mamaya, Ma," maikling sagot ko at ipinagpatuloy na ang paglagay ng mga damit ko sa maleta. Alam kong hindi masyado in favor si Mama sa plano kong pag bakasyon sa kapatid niya sa Tagaytay for a while. She wants me to stay para may kasama sila dito ni Dos sa bahay since nasa New York si Kuya Uno para sa isang conference nila sa Hospital na pinagtatrabahuhan niya. "Payag

