"Anong kailangan sa 'yo ni Miguel na 'yan? Gusto niya bang magkagulo-gulo ang buhay mo at dadagdagan niya pa ang problema mo?" Ibinaba ko naman na ang cellphone ko at napatingin kay Yumi. "Hayaan mo, email lang naman eh. Wala akong panahon sa kaniya at hindi ko rin naman tatanggapin ang offer niyang ibinigay." "Pero Beh...imagine ha, sponsor siya ng boutique. Ibig sabihin...ilang branch pa ang pwede nating ipatayo sa pera niya?" "Ayoko pa rin, Beh..." "Kaya nga, mas mayaman naman 'yang asawam o keysa sa Miguel na 'yan, pero 'yon lang, hindi ka na niya maalala ngayon," anito. Napatingin naman ako sa kaniya. "Alam mo ikaw, isa pa talaga." Ang hilig niya ring asarin ako ngayon kaya naman napa-iling nalang ako. Tumayo na ako at kinuha ang laptop kong nakalagay lang sa dining table sabay

