SELENA "EXCUSE me!" paalam ko kay Riggs. Katatapos lang namin kumain at nako-conscious na ako sa aking sarili. Baka natanggal o kumalat na ang lipstick sa paligid ng labi ko. Ayokong magkaroon ng kahit na kaunting kapintasan kaya kailangan ko nang mag-retouch. "Should I come with you?" tanong ni Riggs. "No need, thank you." Tumayo na ako at nag-excuse na rin kina mommy at daddy. Saulado ko na ang pasikot-sikot sa mansyon nila kahit papaano dahil ilang beses na akong nakarating doon. Dala ang aking pulang purse ay dali-dali kong tinalunton ang CR na nasa first floor. Nakailang shot na rin ako ng wine kaya kinailangan ko ring magbawas. Nang matapos ay agad akong humarap sa malaking salamin. Napangiwi ako nang makita ang nangyari sa mga labi ko. Nag-fade na ang lipstick kaya agad kong

