SELENA PERO hindi na yata talaga ako nakapag-iisip nang matino nang mga oras na 'yon. Pagsakay ko sa likod ay siyang namang pagsunod at mabilis na pag-upo ni Frank sa tabi ko. "Bakit sumakay ka rin? Alis dito. Lubayan mo ako!" naiinis kong asik sa kaniya. Sinubukan ko pa siyang ipagtulak-tulakan. "Hindi ako aalis hangga't hindi tayo nakapag-uusap nang maayos." Ngunit tila bakal sa tigas ang katawang itinutulak ko nang mga sandaling 'yon. Ni hindi man lang siya natitinag. "Ano pa ba'ng pag-uusapan nating dalawa? Wala namang tayo, hindi ba? May Trisha ka na, ako naman..." Ako naman may hayop at demonyong Riggs. "Are you jealous of her?" Pareho naming hindi naaaninag ang mukha ng isa't isa dahil naka-off ang ilaw ng sasakyan. Isa pa, tinted ang mga salamin niyon kaya hindi tumatagos an

