SELENA BIGLANG bumukas ang pinto ng opisina ko kaya napaangat ako ng tingin. Ang nagpupuyos na mukha ni Riggs ang bumungad sa akin. "Why aren't you answering my calls? Hindi ka rin nagre-reply sa mga message ko. Where did you sleep the other night? Nagtanong ako kay Xavier, wala ka naman daw sakit nang araw na 'yon. At wala ka rin daw buong magdamag sa mansyon. Sino'ng kasama mo? Saan ka nagpunta? Bakit nagsinungaling ka sa akin?" Lumapit ito sa mesa at pabalagabag na itinuon ang mga kamao sa mesa habang galit na galit ang mga matang nakatingin sa akin. I was already expecting na magagalit ito sa akin at malamang na sugurin nga ako sa opisina ko kaya hindi na ako masyadong nagulat at naalarma. Bagama't hindi ko naiwasang kabahan dahil ngayon ko lang yata nakita na ganito kagalit ang

