SELENA AWTOMATIKO akong napahilot sa aking sentido nang maalimpungatan kinabukasan. Daig pa niyon ang minamartilyo sa sakit. Sandali kong pinalipas ang sandali bago kumilos sa aking kinahihigaan. Hanggang sa napabalikwas ako ng bangon nang isa-isang rumehistro sa akin ang nangyari kagabi. "W-Where's Issa?" Nagpalinga-linga ako sa paligid. The room was kind of familiar. Parang minsan na akong nagawi roon. Babalikwas na sana ako ng bangon nang mapagtantong wala akong damit. Frank! Nanlaki ang mga mata ko nang maalala na ang lahat. Nang magkita kami sa bar. Nang buhatin niya ako patungong sasakyan, at nang ihatid namin si Issa sa condo ni Xavi. And then when he took me in this place again. Alam ko na kung anong lugar ito. Dito niya rinako dinala dati. "N-No! No way!" Agad kong hinablot

