SELENA KULANG na lang ay malugmok ako sa baba habang naglalakad palabas ng restaurant. Nasa loob pa lang ay tanaw ko na si Frank na nakasandal sa gilid ng sasakyan at hindi kababakasan ng inip ang mukha habang naghihintay sa akin. Dahil sa tensyon kanina, hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin ang ayos at presensya niya. But the taste of the kiss that he gave me a while ago still remained in my mouth. Knowing that we would be together again, hindi na maipaliwanag ang halo-halong emosyong naglalaro sa isip ko. Would he kiss me again? Take me to his arms or... pakiramdam ko ay lalong nanghina ang mga tuhod ko nang mas intimate na scene ang biglang nag-pop up sa isip ko. Oh my God! Bago tuluyang lumabas ng restaurant ay sinikap kong i-compose ang sarili at maging seryoso sa pagharap sa ka

