"Woi sir! Tama na yan, balik kana dito malelate kana!" sigaw ko habang nakasilip sa bintana. Bumalik kasi ako sa loob ng kotse kasi walang kasama si Ambrose. Nakangiting naglakad pabalik si sir Logan. Namamangha ako sa ngiting pinapakita niya ngayon. Ngiting ngiti kasi iyon, ngayon ko lang siyang nakitang ganito kung makangiti. "Buddy, close your eyes." utos niya agad sa kaniyang anak pagkapasok sa sasakyan. Walang ibang sinabi si Ambrose at agad na pumikit. Magsasalita na sana ako pero mabilis na hinawakan ni sir ang aking panga at nilukumos ako ng masarap na halik. Nagulat ako, pero agad din namang nakabawi at napangiti. Ramdam ko sa halik na yun ang saya niya. "I love you, Mara. Thank you for making me this happy." bulong niya sa akin. Nangilid ang luha sa mga mata ko. Grab

