Hindi kami umuwi hangga’t hindi dumidilim ang paligid. Kahit nasa sasakyan na kami ay natutulala parin ako dahil naiisip ko ulit kung gaano kaganda ang lugar na iyon. “Bisita tayo doon bago bumalik ng Makati.” Pakiusap ko kay Gov. Napangiti siya at tumango tango. "Can I come again, mommy?" singit ng anak namin. Hinaplos ko ang buhok niya at tinanguan siya. "Ofcourse, baby." sagot ko. Sa hospital kami naghapunan at tila may nabunot na tinik sa aking dibdib nang ibalita ng doktor sa amin na hindi malala ang dengue ng kapatid ko at makakalabas na din siya sa mga susunod na araw. Labis Labis ang pasasalamat ko sa panginoon sa biyayang binigay niya sa akin ngayong araw. "I told you, everything will be alright l, baby." Bulong ni Gov sa akin habang nakatingin kami sa kapatid ko na kakwe

