MARA'S POV "Mas bata ka kay sir Logan pero sinsabi ko sayo, tatanda ka agad kapag ako kasama mo." nakangisi kong asik sa kapatid ni sir habang hinihiwa ko na ang karne ng baboy. "I think, I already know why my brother likes you. You have the nerve. Wala kang sinasanto eh no? Tsk." bigla niyang saad sabay hila ng upuan at pinanuod akong gumagalaw dito sa kusina na para bang may gagawin akong kakaiba. "Luh, hindi ah nadala lang sa ganda yun!" rebat ko naman habang nakangisi padin. Natawa siya at sarkastiko akong tiningnan mula ulo hanggang paa. "Nakaka insulto ka naman kung tumingin!" Reklamo ko sa paraan ng titig niya. "Saan banda yung ganda diyan? You look f*****g old with your style!" Walang filter nitong komento na ikinairap ko lang. As if naman masasaktan ako sa sinasabi niya

