“Ohh! Finally you’re here naa!” Magiliw na bati ni tita Louise sa amin pagkarating pa lang sa bahay. Mabilis siyang tumayo at idinipa ang mga kamay. “Hey mom—“ Natawa ako nang iwasan niya si Gov at dumiretso siya sa akin. Niyakap niya ako ng marahan at may magaang ngiti sa mga labi. “I am beyond happy right now, hija. Finally! Magkakaroon na ng kapatid si Ambrose!” excited na wika ni tita. “Congratulations to the both of you.” Baritono ang boses na wika ng ni tito na nakalapit na pala sa amin. “Thank you, dad.” ngiting ngiti na tugon ng boyfriend ko. “Good job, Logan.” biro pa ni tito sabay tapik sa balikat ni Gov. “Ohh! What a happy family! Di niyo man lang ako hinintay!” singit ng kakarating lang na panget. Agad nalukot ang mukha ko ng makita siya. Argh! Napapangitan ta

