LOGAN’s POV “Bakit nasa labas ang mga gamit ko?” taka kong tanong nang makita sa labas ng bahay namin ang maleta ko at ilang mga gamit. Napalunok ako at sinubukang buksan ang pinto pero locked iyon. Oh s**t! “Oh! It’s daddy! Mommy ko, daddy is here already! He’s outside!” Napatingala ako nang marinig ang boses na iyon ng anak ko. Nasa terrace pala siya. Kumaway ako. “Baby, pakibuksan naman si daddy oh. Where’s your mommy?” Pasigaw kong saad. Napanguso si Ambrose at napailing iling. “Lumayas ka na dito. Tutal inuuna mo naman yang trabaho mo diba? Doon ka sa opisina mo matulog! Che!” sigaw ng asawa ko na nasa terrace na din. Sabi ko na nga ba eh. Damn! “Baby.. five minutes lang naman akong late eh..” Pagrarason ko at napatingin sa relo. “Anong five minutes ka diyan! Alas s

