LOGAN’S POV It’s been ten minutes since my girlfriend left para mag banyo pero hanggang ngayon ay di pa siya bumabalik. I started to get uneasy. “It’s so great to have business with you, Governor.” pormal akong ngumiti kay Senator Allen Cañete nang sabihin niya iyon. “Likewise, senator.” tugon ko at nakipagkamay ulit. “If you don’t mind? I’ll excuse myself first.” Wika ko sa kaniya na agad niyang tinanguan. Mabilis kong tinungo ang daan papunta sa corridor kung saan nagtungo si Mara kanina pero napahinto nang makasalubong ko ang aking kapatid. “I know you’d be here.” Nakangisi niyang wika. “Let’s talk later. Hinahanap ko si Mara.” Seryoso kong sambit at lalagpasan na sana siya. “Nakita ko siyang dumaan dun eh. Ikaw naman parang magbabanyo lang ang girlfriend mo eh. Aso ka ba?

