MARA’s POV “Anong nangyari? Nasaan nag anak ko?” natataranta kong tanong nang makalapit sa mga guwardiya ng school at bodyguards ni Gov. “Ma’am.. Boss..” bati nila sa aming dalawa ni Gov, nasa likod ko pala siya at walang emosyong nakatingin sa kaniyang mga tauhan. Muli kong hinarap ang gwardiya at nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang lahat. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko, halos lalabas na iyon sa dibdib ko! Nag iinit din ang sulok ng aking mga mata pero pilit kong pinipigilan ang pag agos ng luha. “Bandang 11:52 ng umaga sir, nakalabas na po ang anak niyo at wala na sa campus premises. Nakita po sa cctv ang paglapit ng isang babae sa kaniya.” Pahayag ng bodyguard ni Gov. “Where the f**k is that cctv?” kalmado ngunit madiing tanong ni Gov. Iginiya nila kami sa security

