MIA'S POV; ——— Isang buong araw na naman ang natapos. Pagod na naupo ako sa kama habang pinapatuyo ko ang aking buhok gamit ang tuwalya. Katatapos ko lang kasing maligo at si Joan naman ay nakahiga na sa kama habang nagcecellphone. "Joan?" pagtawag ko sa pansin niya. Agad naman siyang lumingon sa'kin. "Bakit?" "May alam ka ba kung bakit sa third floor na nakaassign si Ate Tess?" Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili kong itanong 'yon sa kanya. Seryosong tumingin sa'kin si Joan na para bang nagtataka siya kung bakit ko 'yon biglang natanong. "Bakit mo tinatanong?" curious na tanong niya sa'kin pabalik. "Narinig ko kasi na sa study room siya ng Don naka-assign dati." Syempre hindi ko puwedeng sabihin na si Señorito Caleb ang nagsabi sa'kin dahil baka kung ano pang isipin niya. Nag

