GLASE’ POINT OF VIEW Padilim na nang umuwi ako. Tulala ako mula sa pagsakay sa tricycle hanggang a pagbaba. Muntikan ko na ring makalimutang magbayad sa driver kung ‘di ako tinawag. Bawat hakbang ko patungong daan sa bahay ay bumibigat lalo ang pakiramdam ko. Habang naglalakad y bumabalik sa isipan ko ang mga nakasulat sa papel. Anak, unang-una sa lahat, patawarin mo sana ako sa lahat ng mga ginawa ko. Alam kong mahirap, pero tanggap ko dahil ako ang may mali. Ako ang may kasalanan ng pagkakamali ko, pinili kong saktan ka imbis na mahalin, patawad anak. Ang totoo kasi niyan, hindi mismong one night stand ang nangyari sa amin ng ama mo. Habang nagtatrabaho talaga ako sa bar, naging costumer ko siya. Sa una akala ko isa siyang mabuting lalaki. Ang mga lalaking tulad niya ay marami talaga

