GLASE POINT OF VIEW Matapos kong magising dahil sa isang masakit na panaginip ay bumangon na ako. Inayos ko ang sariling itsura ko saka lumabas ng kuwarto. “Diyos ko po! Gabi na pala! Anong oras na kaya?! Baka mapagalitan ako!” Nagpalinga-linga ako at parang biglang nataranta. Mabilis akong bumaba sa hagdanan at nanlaki ang mga mata. “Alas diyes?!” Gulat na gulat kong tanong sa sarili. Ang haba pala nang tinulog ko! Mayayari talaga ako nito! “Baka bukas wala na akong trabaho!” naiinis kong saad at nahilamos sa mukha ang sariling palad. “Glase.” Mas kinabahan pa ako nang marinig ko ang boses na 'yon. Nasa likuran ko na siya. Paano ako haharap sa kaniya? “Sir K-Kellix…” Bigla niya akong hinarap sa kaniya. May pagtataka na nakabadha sa kaniyang mukha. “Are you okay?” tanong niy

