GLASE’ POINT OF VIEW Pagkatapos ng aming agahan, sinimulan kong labhan ang mga damit na pinapalabhan sa akin. Hindi naman sobrang dami ang labahan kaya tumanggi ako nang balak ako tulungan ng iba. Gusto ko na lang ding malibang ang sarili kaysa patuloy na masaktan. Sa paglalaba ko na muna ibubuhos ang aking buong atensyon. Nang damit na ni Kellix ang lalabhan ko, napukaw ang atensyon ko sa polong suot niya kahapon. Hindi ko alam kung anong naisipan ko at iyon ang una kong dinampot. Kalaunan, pinagsisihan ko rin. Kitang-kita ang bakat ng lipstick, kulay palang nito ay alam kong galing kay Kizza iyon. Iyon ang kulay ng lipstick niya kagabi. Mabilis kong pinahid ng suot kong damit ang luha ko. Habang kinukusutan ko ang damit para mawala ang dikit n’on ay nanlalabo na naman paningin ko dah

