Papunta na ako sa kuwarto kung saan ako mananatili habang nasa bahay na ito ako. Naandito lang naman ako para mang-asar at sirain ang buhay nila. Isa pa, may karapatan naman talaga ako sa bahay na ito dahil ako ang tunay na asawa ni Alexei. Bumukas ang isang silid at nakasalubong ko si Roxanne. Agad na tumaas ang isang kilay ko nang makita siya sa isang guestroom. “Anong ginagawa mo riyan?” namamangha kong tanong. Why is she in the guestroom? Huwag mong sabihin na roon siya natutulog? Nakita ko ang pagkabigla niyang makita ako pero nabawi rin naman ang sarili. “Dito na muna ako habang naandito ka. Nakakahiya naman sa ‘yo kung makikita mo kami ni Alexei sa iisang kuwarto, hindi ba?” Halos matawa ako sa sinabi ni Roxanne. “Ikaw mahihiya? You have that?” Napansin ko ang pagdaan ng irita

